Sa hardware ni mayor kinukuha ang materyales

OVERPRICING daw ang nangyayari sa  mga bilihing materyales para sa itinatayong mall sa Tuguegarao dahil mismo sa hardware na pag-aari ni Tuguegarao Mayor Delfin Ting kinukuha ang mga materyales na ginagamit sa pagpapatayo.

Ang gulang mo naman Mayor Ting, hindi ka ba naman nahihiya niyan sa pinaggagawa mo?

Mantakin mo, yang ginagawang mall na pinangala-nan ninyo ng Mall of the Valley ay pag-aari ng local na gobyerno ng Tuguegarao.

Hindi pa nga natatapos ang ginagawang mall ay katakot-takot nang mga batikos  ang ibinabato sa inyo.

Mayor Ting, kayo ‘yung sisira sa pangarap ni Pang. Noynoy Aquino na mailagay sa “matuwid na landas” ang ating bansa.

Mayor basahin ninyo ang   text message ng inyong mga kababayan.

Sir Johnny, masugid ninyo akong taga-subaybay.  Ipaalam ko lang po ang nagaganap na overpricing sa itinatayong mall dito sa Tuguegarao dahil sa hardware po ni Mayor Delfin Ting nanggagaling ang mga materyales  na ginagamit sa pagpapatayo. Marami rin po kaming negosyante na tutol  dito kasi nawalan kami ng puwesto at nakurakot pa ang pondo ng aming lalawigan.

Sana, Sir Johnny, paki-publish lang po ito. Salamat!!

MGA  SUGALAN ANG MINAMANMANAN

Bilib naman ako rito sa Intellegence Group ng PNP sa pamumuno ng isang Supt. Barcenas. Sa halip na imonitor nito ang mga kaganapan na may kinalaman sa mga terroristic activity ay ang tong-collection sa mga iligal na pasugalan ang minamanmanan.

Isang alyas Ryan daw ang bagman/collector nitong si Supt. Barcenas.

Ibang klase raw kung mangotong si Ryan sa mga iligalista dahil sa puwersahan kung mangotong.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply