Sa isyung di marunong umarte: “Inggit lang sila” –Sam Pinto

TAHIMIK at hindi nasaktan si Sam Pinto nang iparating namin sa dalaga na hindi raw siya marunong umarte kaya hindi kawalan sa Dos nang magpasyang lumipat sa Siyete.

“Narinig ko nga po yan, Hindi naman po ako nasaktan. Nagwo-workshop naman ako para matuto nang dapat i-arte. Baka po naiinggit lang sila sa mabilis na pagpasok ko sa showbiz.

“Sa totoo lang, Hindi ko inisip na mapapasok ako sa showbiz, Kasi ang gusto ko lang noon talaga ay modeling. Hindi naman po natin mapi-please ang lahat. Importante ay wala akong tinatapakan tao,” tsika pa ni Sam.

Samantalang kinumusta namin kay Sam ang pagtatambal nila ni Bong Revilla sa “Si Agimat sa Mundo ni Enteng.”

Ask namin ang dalaga kung mayroon din silang kissing scene ni Senator Bong sa movie tulad ng naganap na halikan nina Vic Sotto at Gwen Zamora sa naturang movie.

Matagal bago nakapag-react si Sam at sabay ngiti ng pagkatamis-tamis na wala pa raw, Antayin lang daw sa movie.

CONG. SINGSON, NAG-PROPOSE NG KASAL KAY LOVI POE?

Natawa at hindi makapaniwala si Lovi Poe nang makatsikahan namin sa presscon ng “Little Star” kung totoo nag-propose nang marriage sa kanya si Congressman Ronald Singson?

Nagtanong pa ito sa amin kung totoo raw ba sinabi ni Congressman Ronald na gusto siya nitong pakasalan?

Wala raw kasi siyang natatandaan nag-propose ng kasal ang Congressman na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Hongkong dahil nahulihan ng pinagbabawal na gamot.

“Flattered po ako kung totoo sinabi nga niya (Congressman Ronald) na ako ang gusto niyang pakasalan. Pero right now, ay marami pa akong pangarap sa buhay, Marami pa akong gustong gawin. Bata pa ako,

“Gusto ko bago lumagay sa tahimik ay very stable na ang buhay ko, Yun may sarili akong pera at negosyo, Ayoko kasi umasa sa magiging husband ko. Dapat pareho kayong independent sa buhay. Yung pareho kayong may pinagkakaabalan sa buhay,” say ni Lovi.

Anyway, sa “Little Star” ay isa siyang singer nahulog ang loob kay Mark Anthony Fernandez. Magiging kaagaw niya sa pagmamahal kay Mark si Jennylyn Mercado.

Magkakaroon nang anak si Mark na hindi malaman kung sino sa dalawa ang tunay na ina ng bata.

May eksena si Lovi na naka-one piece sa “Little Star” at nakiusap raw siya sa kanilang director na si Maryo J delos Reyes kung puwede na two piece na lang ang isuot niya dahil naiilang siya sa pagsusuot ng one piece.

“Masyado kasing litaw na litaw ang singit mo sa one piece not like sa two piece na puwedeng short yung pang-ibaba, Pero ayaw pumayag ni direk kaya napilitan na rin ako magsuot ng one piece,” tsika pa ni Lovi na lalong gumaganda.

****

For 15 years nanatiling matatag ang nangungunang gag show na Bubble Gang kaya naman ibayong paghahanda pa ang handog ng barkada sa pangunguna nina Michael V, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto atbp sa pagse-celebrate ng kanilang fifteen years on television.

Nagkaroon ng salu-salo ang cast at mga entertainment press bilang pasasalamat sa pananatiling matatag ng gag show.

Bukod sa mainstay ng BG ay apat na magagandang dilag pa ang isinama sa show, sina Gwen Zamora, Ellen Adarna, Sam Pjnto at Jackie Rice na tinawag na Bubblets Girls.

Sa celebration nakatsikahan namin si Ms Rufa Mae Quinto na 10 years nang nasa Bubble Gang.

Ayon kay Rufa, hindi niya namalayan na ganoon na pala siya katagal sa BG at hindi nagsisisi dahil marami siyang natutunan sa show, Doon na raw siya nagdalaga at nadala ng mga samut-saring intriga sa buhay.

Sa cast ay si Ogie ang madalas na hinihingan ng payo ni Rufa Mae kaya ganoon na lang ang closeness nila ni Ogie Da Pogi.

Close din siya sa BG barkada pero mas close kay Ogie at mananatili siya sa gag show hanggang gusto pa siya ng televiewers at nang management. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply