Sa kabila ng unos na pinagdaanan: Gerald Santos, matatag pa rin

MAY  konek ang awiting “I Cannot Imagine” sa buhay ni Gerald Santos dahil pagkatapos ng nasuungan nitong problema sa kanyang singing career ay hindi siya iniwanan ng mga taong nagmamahal sa kanya na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanya.  Ang nasabing awitin ay kauna-unahang komposisyon ng mang-aawit ata ayon sa kanya, isang awiting ng pagpapasalamat sa mga taong walang sawa ang pagsuporta sa kanya.

Napaka-intimate ng katatapos lamang na soft album launch ng Pinakahihintay, The Repackaged Edition ng mang-aawit na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan at press. Sobrang nakakabilib ang kanilang pagiging totoo ng aminin nilang repackage ng lumang album ni Gerald ang kanilang inilunsad.

Matatandaang inilunsad noong Enero 2009 ang unang album pero ikinalungkot nila ang pag-pull out nito sa record bars dulot ng distribution problems.

Sa kanilang ginawang repackage edition na pinamagatang ‘Pinakahihintay’ ay nagdadag sila ng tatlong kanta. Kasama sa unang album ang ‘Kailan Masasabi’ na sariling komposisyon ng mang-aawit at napag-alamang ang kanyang ginawang inspirasyon ang kanyang ‘crush’ na si Rhian Ramos.  “Hindi ko po akalain na ganu’n siya kabait, kaya lalo akong nabighani sa kanya.  Kaya nga may linya doon na nagsasabing nabighani ako eh.  Di ba kung pinapanood ninyo siya napaka-intimadating, sosyalera pero cool siya, cool. Kaya nasulat ko ‘yan pero puppy love lang po yun.”

Sa ngayon ay may konting pangamba ang mang-aawit sa pagbulgar nito ng kanyang damdamin sa aktres dahil siguradong pag-isipan siyang ginagamit ang aktres dahil sa pag-release ng kanyang album.  “Huwg na po siya pag-usapan, ayaw kong mapagbintangan nanggagamit ako eh natanong lang naman ako ng istorya sa mga awiting kinanta ko sa aking album.  Lalo na ngayong nasa TV5 na ako.  Baka mapupulaan pa ako na manggagamit,” pakiusap nito.

‘Pinakahihintay’ re-package edition ay naglalaman ng 12 original songs na inaasahang magiging OPM classics lalo sa panahon ngayon puro R & B ang popular sa masa.  “Umaasa po kami na muling manunumbalik ang mga awitin noon ni Basil Valdez at mga kakontemporalyo nito na ang mga awiting ay maga klasiko nang maituturing.”

Ang ‘Pinakahihintay,’ ay titulo ng album ay komposisyon ni Rommel Ramilo, manager ng mang-aawit.  Maliban dito, kasama din ang ibang komposisyon nito tulad ng ‘Dadalangin Sa ‘Yo,’ ‘Hindi Sapat Ang Minsan,’ at ‘I Promise You.’  Si Gerald naman, sarili niyang komposisyon ang ‘Kailan Masasabi’ at ‘I Cannot Imagine.’  Maliban dito ay collaboration nila ng kanyang manager ang mga awiting ‘Gotta Be Strong’ at ‘This Feeling Inside.’ Kasama din dito ang iba pang OPM tulad ng ‘Because of This One Song,’ ‘Ang ‘Yong Pagmamahal,’ ‘Andyan
Ka Lang’ at isang Chrsitams song na pinamagatang ‘Aking Mahal, Maligayang Pasko. Available na sa record bars ang ang “Pinakahihintay’ album at ito ay gawa ng Prinstar Music Philippines at distributed ito ng POLYEAST.  For inquiries ang booking purposes, please text or call 09293055997 and 09397859174.  Email address: prinstarmusic@yahoo.com. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply