Sa pagkaka-typecast sa role na bading:Trabaho lang!’ —Keempee de Leon

MULI na namang gumanap na bading sa TV si Keempee de Leon. Matatandaan na ilang TV shows sa GMA-7  gumanap na gay ang anak ni Joey de Leon. Ayon kay Keempee, naghahanap ang TV 5 ng kaibigan ng bidang babae na si Danita Paner sa “My Driver Sweet Lover” na medyo senior ang status bilang comic relief sa kauna-unahang kilig-serye ng Kapatid Network.

Hindi lang matanggihan ni Keempee ang naturang role dahil trabaho ito. Iba naman ang pag-atake niya sa role.

Hindi ba siya natatakot ma-typecast sa role na bading?

Hindi naman siya natatakot dahil iba-iba ang karakter niya bilang isang gay.

JOEY PABOR SA PAGBABADING MULI NI KEEMPEE

Besides, isinangguni niya sa kanyang ama na si Joey de Leon kung tatanggapin niya muli ang papel na bading.

Ani Keempee, may basbas ang ama niya sa pagtanggap muli ng role na gay. Sabi ng ama, okey lang at trabaho  rin ‘yan.

HINIHINTAY ANG  KONTRABIDA ROLE SA TV5

Ani pa ni Keempee na ipinangako sa kanya ng TV 5 na gagawin siyang kontrabida sa susunod niyang proyekto.

Umaasa si Kimpoy dahil ito ang dream niya na makaganap ng kontrabida role.

Bukod sa “My DSL” bading din ang role ni Keempee “Lady Dada” na napapanood din sa TV 5.

Yes, may basbas naman ng GMA ang pagtrabaho niya sa TV5, lalo na ang “Eat Bulaga.”

Anumang mangyari hindi siya aalis rito (Eat Bulaga) kahit pa alukin siyang  maging parte ng isang noontime show sa TV5.

Ani Keempee, ang “Eat Bulaga” ang bumubuhay sa kanya at sa pamilya niya. Maituturing niyang second family ang “Eat Bulaga” o ng GMA.

Bukod kina Keempee at Danita, kasama rin dito sina JC de Vera, Arci Munoz, Richard Gomez, Eric Quizon, Eddie Gutierrez, Nova Villa, Pilita Corrales at Dina Bonnevie.

Nariyan din sina Epi Quizon, Yayo Aguila, Ruby Rodriguez, Tom Rodriguez, Carla Humpries, BJ Forbes, Meg Imperial, Chris Pasturan, Alyanna Asistio, JR de Guzman, Cai Cortez, Kristel Goodwin at Ramon Christopher. Sa direksyon nina Eric Quizon at Soxie Topacio.

MAGGIE WILSON IKAKASAL NA SA DECEMBER 18

Ikakasal na sa isang land developer at real estate broker si Bb. Pilipinas-World 2007 na si Margaret ‘Maggie’ Wilson. Ito ang napag-alaman namin sa beauty queen/actress sa set ng “Beauty Queen.”

Umabot ng isang taon at kalahati silang magdyowa. Sinagot niya ang marriage proposal ni Victor Consunji last February.

Suot-suot ni Maggie ang 1-karat pink-diamond ring noong araw na iyon. Ngumiti na lang si Maggie kung magkano ang halaga ng naturang engagement ring.

BEAUTY QUEENS,  PABONGGAHAN SA KASALAN

Sa December 18, 2010, isang Catholic beach wedding ang magaganap sa isang beach resort sa Legaspi, Albay.

Naikuwento rin sa amin ni Maggie, na halos lahat ng secondary sponsors ay dating mga beauty queen.

Napatawa si Maggie na mistulang isang beauty pageant ang kasalan dahil halos lahat sa entourage ay beauty queens at ang mga invited guest.

Ang bagong kasal ay lilipat sa kanilang bagong bahay sa isang 4-storey building sa Taguig.

Kahit may pamilya na si Maggie tuloy pa rin ang kanyang showbiz career.

Gusto niyang magkaroon ng dalawa o tatlong anak. Ang honeymoon ay sa Europe pero baka next year na.

Maliban kay Maggie, ang ibang pangunahing tauhan sa “Beauty Queen” ay sina Iza Calzado at Katrina Halili. Kasama rin sina Elizabeth Oropesa, Bembol Rocco, Carmi Martin, Marvin Agustin, TJ Trinidad, Luis Alandy, German Moreno, Juan Rodrigo, Bubbles Paraiso, Marky Lopez, Victor Aliwalas, Tomas Gonzales, Lou Sison at Gloria Diaz. Sa direk0syon ni Joel Lamangan.

OooO

Sa “Face to Face” season 3, ang episode sa Martes ay “Resbakan ng pamilya, ubusan ng lahi na?! Ang Trio Tagapayo ay sina  Atty. Meizelle Antonio at  Fr. Sonny Merida  at Dr. Camille Garcia.

Ang “Balahurang paggamit ng balon, kapitbahay sinabon” ang episode sa Wednesday. Sina Atty. Meizelle Antonio , Fr. Sonny Merida  at Dr. Camille Garcia, ang Trio Tagapayo.

Sa Huwebes, “Lolong desperado, hinostage ang mga sariling apo”. Ang Trio Tagapayo sina Atty. Vanessa Joy Ong Pe, Fr. Sonny Merida at Dr. Camille Garcia.

Ang episode na “Pagdadabog, nauwi sa kuyog at bugbog?” ay mapapanood sa Biyernes. Trio Tagapayo sina Atty. Vanessa Joy Ong Pe, Fr. Sonny Merida at Dr. Camille Garcia.

Ang “Face to Face” ay hosted by Amy Perez sa TV5. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply