Sa pagpasok ni Willie sa TV5: Tiyak ang Rigodon sa TV programming ng kalaban

NAGBALIK-TV na nga ang controversial na TV host na si Willie, sa pamamagitan ng programa niyang Willing Willie na napapanood sa Kapatid Network, Lunes hanggang Biyernes, 6:30-8:30 pm at 5:00 to 7:00 pm naman every Saturday.

Tiyak na marami ang tumutok kay Willie last Saturday. Marami akong personal na kilala na talagang inabangan ito, pati ang mga Wowowee fanatics, talagang tinutukan ang event na ito.

Ang naging battlecry sa pagbabalik ni Willie ay ‘Tuloy ang ligaya, tuloy ang pag-asa’. Sa simula ng show bago niya kinanta ang theme song ng Willing Willie, pasigaw na sinabi ni Willie na, “Balik na ang programa ng bawat Filipino! Tuloy ang saya, tuloy ang pag-asa!”

Hindi lang festive ang mood kundi bongga talaga at puno ng drama ang Willing Willie sa pilot episode nito dahil matindi ang production numbers na nasaksihan ng mga Willie loyalists sa jampacked na studio at ng marami pang mga suki niyang nag-aabang nito sa TV. Bukod pa sa matinding production numbers, star-studded din ito, at nagpa-ulan agad si Willie ng papremyo. Typical na Willie ang napanood muli ng madla, ang kaibahan lang this time ay ang TV station at ang time slot na ngayon ay sa gabi na napapanood imbes na sa dating timeslot nito tuwing lunch time.

Sa bagong time slot ngayon ni Willie, tiyak na babaguhin din nito ang viewing habit ng mga Pinoy. Hindi ako magtataka kung may ibang TV station na mag-adjust sa kanilang programming dahil sa Willing Willie.

“‘Yung 6:30 to 8:30 pm, Lunes hanggang Biyernes, tama na ang bad news, patayan… ni-rape ng ama ang anak… kung anu-ano iyong mga sinasabi sa news. Iyon pong 6:30 to 8:30, ito ‘yung time na sa hapag kainan, kasama ang buong pamilya… Ito po ‘yung time na magba-bonding tayo, para ‘yung mga bata, nag-e enjoy, sumasayaw ng tantanan, tsut-tsurut-tsurot… May nanalo po ng house and lot, one million… may nanalo ng cash, araw-araw, gabi-gabi.

“Bakit ‘ika ninyo? Ang hangad namin ay wala ng bad news, good news na. Ang news naman ay puwede na sa mas bandang huli, para ho ang mga bata ay tulog na. Ang hangarin namin ay bigyan kayo ng saya. ‘Pag buo na ang pamilya sa hapag-kainan, ‘andito po ang Willing Willie para sa inyo,” saad pa ni Wilie.

Sa naturang pilot episode rin ng Willing Willie, nagpakita ng full support ang lahat ng mga top executives ng TV5 sa pangunguna ng big boss nitong si Mr. Manny V. Pangilinan.

Espesyal din ang naging pasasalamat niya kay Senator Manny Villar na naghandog ng 12 bahay mula sa Camella Homes bilang papremyo sa mga mapapalad na viewers ng Willing Willie. Minsan pang pinatunayan ni Senator Villar ang kanyang pangako kay Willie na ang kanilang samahan ay hindi hanggang eleksiyon lamang. Ipinakita rin ni Sen. Villar na pinahahalagahan niya ang pinagsamahan at pagkakaibigan nila ni Willie noong panahon ng kampanya nang kumandidato siya bilang pangulo ng Pilipinas.

Talagang walang iwanan ang samahang Villar at Willie kaya nabanggit ni Willie na buong puso ang pagtulong ni Sen. Villar para sa masa, “’Anytime Willie, basta tutulong tayo, 12 bahay para sa iyo,’ ang naging tugon daw ng senador.

“Binigyan po niya ako ng 12 bahay, sabi niya, buwan-buwan dapat ay may natutulungan tayong isang pamilya na nagkakaroon ng bahay sa programa mo.

“Ang mga taong ito ay talagang minamahal, Mr. Manny Pangilinan, Mr. Manny Villar, ang kulang na lang ay si Manny Pacquaio at kumpleto na tayo,” biro pa ni Willie kay Pacman na nakasama rin nila noong campaign sorties.

Anyway, walang dudang lalong lalakas ang ratings ng TV5 sa pagkakadagdag dito ni Willie. Back to back to back sila noong Sabado nina Vic Sotto sa pamamagitan ng Laugh or Lose at ni Ryan Agoncillo via Talentadong Pinoy. Kaya matindi talaga ang line-up ng TV5 tuwing Sabado. Nonie Nicasio

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply