Sa pagtanggap ng award: Pilita, binanggit lahat ng mahal sa buhay maliban kay Ricky Davao

ANG ganda ng tribute na iginawad kay Pilita Corrales na Lifetime Achievement Award sa ginanap na 2nd PMPC Star Award for Music last Sunday. Very nostalgic kasi ang pagkakaawit ng La Diva na binubuo nina Maricris Garcia, Jonalyn Viray at Aicelle Santos ng walang kamatayang hit song ni Ms Pilita na “A Million Thanks To You.”

Habang kinakantahan siya ng La Diva ay napapalakpak si Ms Pilita dahil sa ganda ng blending at pagkakanta nina Maricris, Jonalyn at Aicelle.

At sa speech ni Ms Pilita ay binanggit niya ang dalawang anak na sina Jackielou Blanco at Monching Gutierrez at pati na rin ang kanyang mga apo.

At pahabol na sinabi rin niya ang pangalan ni Lotlot de Leon na bakas naman ang sensiridad nito nang banggitin ang pangalan ni Balot (tawag kay Lotlot).

Nang pauwi na si Ms Pilita, tinanong siya ng mga reporter na nag-antay sa kanya sa lobby para ma-interview kung bakit hindi niya binanggit ang isa pa niyang manugang na si Ricky Davao?

“Eh, siyempre, madalas naman kaming nagkakausap ni Ricky,” nakangiting say ni Ms Pilita.

Sa speech din niya sinabi na lahat ng award natanggap niya ay ang PMPC Star Award for Music Lifetime Achievement Award ang the best award niya.

Paging Lotlot. This time ay tila sincere na si Ms. Pilita na makipag-bonding at kalimutan na ang hindi magandang isyu nangyari sa kanila.

****

Sa mga gustong manonood ng Star Factor. Simula ngayong Linggo ay sa Broadway Centrum, Quezon City na ito mapapanood.

Magsadya lang sa Broadway Centrum ng Sabado at 6:00 p.m. para magparehistro at prente makikita ninyo na at mapapanood ang paborito ninyong natirang 12 Shining Star ng Star Factor.

Magkakaroon din ang mga viewers ng pagkakataon manalo ng house and lot. Gagawin lang ay mag-text kung sino ang tatanghaling Star Factor winner at kapag tumama ang bet ninyo ay mananalo din kayo ng house and lot.

Pero paglilinaw sa reality artista search ng TV5, ang mananalo ay hindi magmumula sa text vote.

Ang limang hurado ng contest ang siyang may power magtanggal at mamili ng siyang tatanghaling kauna-unahang Star Factor winner.

****

Naaliw kami sa kainosentehan ng former bold actress na dumalo sa 2nd PMPC Star Award for Music sa Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila last Sunday.

Habang nasa labas ng theater ng Ateneo ang former sexy actress ay tinawag siya ng kasama natin sa panulat para tanungin at hingan ng reaction.

Lapit naman ang former sexy star na in fairness ay sexy pa rin at katakam-takam pa rin ang kaseksihan.

Tanong ng kasama natin sa panulat kay sexy actress: “Anong masasabi mo na

ikaw daw ang inspirasyon ni Cris Lawrence nang kantahin niya ang Moments?

Sagot ni former sexy actress: “Naku! Gusto ko yun,” na nakangiti pa dahil sa saya. Pero nang matauhan at napag-isip-isip na hindi siya ang tinutukoy ng kasama natin sa panulat na si Katrina Halili ay umatras ito at nagsabi: “Naku! Hindi po yata ako ang tinutukoy ninyong artista.

Natawa ang mga katabi naming reporter dahil pilit pa rin tinatawag ng kasama natin sa panulat si former sexy actress para sagutin uli ang isa pang katanungan.

Kahit anong pilit pa tawagin ang former sexy actress na ang pangalan ay nagsisimula rin sa Katrina ay hindi na ito lumapit pa sa kasama natin sa panulat.

Naloka ang mga katabi naming reporter sa katatawa dahil pilit pa rin sinabi ng kasama sa panulat na si Katrina Halili yung kausap niya na tinatanong. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply