Sa pambubuking na tumatawag pa rin kay Ruffa: DJ Mo, dedma kay John Lloyd

Patay maliswa si John Lloyd Cruz kay Mo Twister sa mga pagtsismis nito sa kanilang dalawa ni Ruffa Gutierrez on air sa Paparazzi. Binuking kasi ni DJ Mo na palagi pa ring tumatawag at nagte-text si Lloydie kay Ruffa hanggang ngayon. At dahil dito winarningan naman ni Ruffa ang bansot na host na nagagalit siya dito at baka kung ano pa ang gawin niya dito kapag nagkita sila.

Isang malakas na tawa lang ang isinukli ni Lloydie sabay sabing, “Hindi ko siya papatulun kahit ano pa ang sabihin niya sa akin. It’s a complete waste of time on my part kung bibigyan ko pa siya ng pansin. Basta Ruffa and I are still good as friends at wala na siyang pakialam sa amin!”pahayag ng magaling na aktor.

Nagtataka lang siya kung bakit laging nauungkat ang pangalan niya sa Paparazzi almost every week.

“From day 1 ay binabanggit na nila ang pangalan ko sa show nila. And I’m not getting anything out of it. Siguro dapat ay mag-charge na ako ng fee sa kanila. Hahaha!”natatawang sabi ni JL na nakukuha pang magbiro.

Hindi rin daw ang tipo ni Shaina Magdayao ang ma-insecure at magselos. Alam naman nito na matagal nang tapos ang relasyon niya kay Ruffa.

Sa ngayon ay si Angel Locsin naman ang kapareha ni John Lloyd sa bagong teleserye na Imortal na humataw kaagad sa ratings sa first week of telecast palang nito.

***

Bongga ang TV5! Sila na pala ang No. 1 pagdating sa Saturday primetime slot dahil sa bagong comedy-game show ni Vic Sotto at Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo. And now they also targeting the weekday primetime slot sa pagdating ng “Willing-Willie” ni Willie Revillame at  ng kanilang kauna-unahang kilig-serye na “My Driver, Sweet Lover” na pinagbibidahan ng bagong love triangle na sina JC De Vera, Danita Paner at Arci Munoz. Mistulang star-studded ito dahil kasama rin dito sina Dina Bonnevie, Richard Gomez, Eric Quizon, Pilita Corrales, Eddie Gutierrez, Nova Villa, Keempee de Leon, Yayo Aguila, Ramon Christopher at Tom Rodriguez ng PBB.

On loan lang pareho sina Tom at Arci mula ABS-CBN at GMA respectively. Si Tom ay mina-manage ni Boy Abunda samantalang si Arci ay nasa poder nap ala ni Annabelle Rama. Nakakatuwa rin ang pangyayaring parehong ex-GF ni Kean Cipriano sina Danita at Arci at okey lang sa dalawa ang makatrabaho ang isa’t isa dahil pareho na silang naka-moved on. Nagulat nga pala kami kay Danita dahil malaki ang pagkakahawig niya kay Iya Villana. At mukhang she’s destined to be big someday sa showbiz. Kaya sigurado akong matutuwa nang husto si Daisy Romualdez!

***

Hindi itinago ni Freddie Bautista na nasaktan siya nang biglang lumipat si Ahron Villena sa ibang manager. For the record, siya ang nagpasok kay Ahron at Pretty Trisha sa Survivor Celebrity Showdown ng GMA. Pero nagulat na lang siya nang nakatanggap siya ng text mula kay
Ahron nang papunta na ito sa Thailand para i-shoot ang Survivor Phils informing him na may bago na itong manager. Sa shock at pagkaimbyerna niya ay hindi na siya nag-reply sa text ng dating alaga. Pagkabalik dito sa Pilipinas ng buong cast ng Survivor Phils ay tinext siya ulit ni Ahron at panay ang sorry nito perp hindi na rin niya ito nireplyan.

“Ahron is one of my original talents buhat nang madiskubre ko siya for TV Idols noon. Seven years ko rin siyang hinawakan kaya nakaka-shock na magagawa niya sa akin ang ganit. Anyway, wala na tayong magagawa kungdi ang mag-move on na lang. Pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga loyal artists ko under my management company na Artist Gallery,”pahayag ni Freddie na maraming hawak na shows sa ABS-CBN.

Ang mga bonggang artists niya under his wing ay sina Keanna Reeves, Cherry Lou, Justine Cuyugan, Aiza Marquez, Ate Shawie, Ate Gay, Ate Glow, Pretty Trizsa, Beverly Salviejo, Pia Moran, Kakai Bautista, Atak, Rhea Nakpil, Edward Banez, Nico de Castro, Minnie Aguilar, MC & Lassy, Luningning. Milagring, Mariposa, Erik & Tuko, The Amazons/Dragon Ladies, Kiko Matos at AA Alviar ng Banana Split.

Sa dami ng artists niya, hindi na nga niya kailangan ang isang suwail na Ahron Villena! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply