Saludar Bros. ready na sa SEAG!

NAKAHANDA nang sumabak sa Asian Games ang magkapatid na Victorio at Rey Saludar matapos kapwa makahablot ng ginto sa idinaos na 31st Tammer Cup sa Pyynikkin Palloiluhalli Sports Hall sa Tampere, Finland.

Si Victorio  ay giniba si England’s Charlie Edwards, 7-3,  dahilan upang tanghalin siyang ‘Best Fighter of the tournament, habang si Rey, ay pinakain ng alikabok si Portugal’s Pedro Matos, 6-0.

Ang magkapatid na tubong Davao del Norte ay pawang kasapi ng ABAP national team.

Huling nagawa ng bansa ang kaparehong performance sa katauhan nina Joan Tipon at Violito Payla noong 2006.

Samantala, nabigo naman sina top Filipino bets Charly Suarez at Delfin Boholts na makumpleto ang pananalasa matapos silang magkasya na lamang sa pilak.

Si Suarez ay giniba ni Finnish superstar Matti Koota sa iskor na 6-0 habang kahalintulad ding kapalaran ang inabot ni Boholst na nagtamo ng talong 2-1 sa kamao ni Ross Hickey.

Ayon sa ulat, hindi tumatama ang mga suntok ni Suarez kaya sa bawat counter-punch ng kalaban ay nasasapol siya.

Kasabay nito, ang host Finland at France ay tabla sa second taglay ang tig-3 na finalists bawat isa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply