Salvage victim itinapon sa eskuwelahan

NAKITA ng isang guwardiya ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng salvage, sa harapan ng eskuwelahan na binabantayan nito. sa Caloocan City.

Inilarawan lamang ang biktima na nasa edad 30 hanggang 35, naka-maong na pantalon at may tattoo sa likod na Nard, Biboy, Jojo, Jacky at Willy Valencia.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw, nag-iikot ang guwardiyang si Nonito Pallezo sa Golden Link College sa Waling Waling st., nang makita ang biktima na nakabulagta sa tapat ng nasabing eskuwelahan.

Agad na itinawag sa pulis ang nakita kung saan lumalabas na pinatay sa bigti ang biktima at may nakuha pang karatula na “holdaper ako, wag tularan”. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply