Sam Pinto, susunod na biktima ni Marian Rivera

SIKAT talaga ang Bubble Gang dahil nakaka-15 years na pala ito, making it the certified longest running gag show. This coming Friday, Oct. 29, isang special movie/musical na may temang horror/comedy ang ihahandog ng Bubble Gang sa kanilang loyal viewers. Tribute na rin nila ito kay Yoyoy Villame, ang hari ng OPM Novelty dahil bibigyan nila ng buhay ang isa sa awitin nito na “Bungalow” na tungkol sa isang lalaking nakamana ng isang haunted bungalow house.

Sina Ogie Alcasid at Michael V ang gaganap na magpinsan na pinagmanahan ng kanilang lolo ng isang bahay na pinamamahayan ng mga multo. Kasama ang buong barkada ng Bubble Gang na sina Rufa Mae Quinto, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Maureen Larrazabal, Boy2 Quizon at ang Bubblets na sina Jackie Rice, Sam Pinto, Gwen Zamora at Ellen Adarna.

Speaking of Sam Pinto, kahit lumipat na siya mula sa ABS-CBN papuntang GMA ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga intriga. Kung noong nasa ABS pa siya ay inili-link siya kay Gerald Anderson, ngayon naman ay kay Dingdong Dantes naman naididikit ang pangalan niya. Malamang daw na siya na ang susunod na makakatikim ng katarayan ni Marian Rivera tulad nang nangyari noon kay Bela Padilla sa Endless Love.

“Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang balitang ‘yan. Once ko palang nami-meet si Dingdong sa Party Pilipinas. Magka-share kami ng dressing room pero hanggang hi, hello lang kami, walang nangyaring palitan ng cel nos,”kuwento ni Sam.

Hindi si Dingdong ang gusto niyang makatrabaho sa isang teleserye kungdi si Richard Gutierrez. Nag-audition na siya bilang isa sa leading ladies ni Chard para sa pagbabalik ng Captain Barbel.

JENNYLYN HINDI NAGSESELOS KAY PATRICK

Ikinuwento ni Jennylyn Mercado sa set ng Little Star na magkasundo na nga sila ni Patrick Garcia. Malaya nitong nahihiram ang anak nila na si Jazz at ang aktor pa ang naghahatid-sundo sa anak nila sa school. Pero kahit ayos na sila ni Patrick ay wala pa rin siyang balak na isunod sa Garcia ang apelyido ng anak nila.

Hindi rin daw siya nagseselos kahit pa sabihin ni Dennis Trillo na crush nito si Heart Evangelista at makakasama ng aktor araw-araw sa isang bagong teleserye. Alam naman daw niya na trabaho lang daw ‘yun at alam din niya na may boyfriend ngayon si Heart sa katauhan ni Daniel Matsunaga.

Palabas na ang Little Star this week. Mistulang star-studded ang telerserye dahil kasama rin dito sina Mark Anthony Fernandez, Lovi Poe, Paolo Contis, Jiro Manio, Rich Asuncion at Sarah Labahti.

ANNABELLE RAMA, DISMAYADO PA RIN KAY HEART EVANGELISTA

Speaking of Heart Evangelista, hindi naitago ni Annabelle Rama ang kanyang pagkadismaya sa kanyang alaga dahil pagkatapos nitong mag-commit sa Spotlight birthday fashion/musical party na gagawin sa Crowne Plaza Hotel on Oct. 28 ay bigla itong nag-backout nang malaman nitong kasama ang iba pa niyang talents sa show.

“Masama talaga ang loob ko dahil umoo na siya tapos nag-back-out siya nang malaman niya na kasama rin ang iba kong talents sa show. Naku tatlong taon siyang walang career ha? Ako lang nagpabango ng pangalan niya ulit sa GMA,”pahayag ni Tita Annabelle na hindi talaga maitago ang kanyang pagkairita.

Ilalabas din ang kanyang bagong magazine na Spotlight featuring all her 29 alaga. Ginawa na niyang fulltime ang pagma-manage niya at isinantabi na niya ang kanyang pagbebenta noon ng mga alahas na puro talbog na tseke lang daw ang ibinabayad sa kanya.

Ilan sa kanyang roster of talents bukod sa kanyang mga anak at asawa ay sina Heart, JC de Vera, Michelle and Ehra Madrigal, Paolo at Bubbles Paraiso, John Hall, Danita Paner, Arci Muñoz, Jay Aquitania at marami pang iba. Pinag-iisipan din niya kung kukunin niyang talent si Jewel Mische dahil gusto raw niyang tulungan ‘yung bata dahil mabait naman daw ito. Tonee Coraza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply