Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz tuloy ang isnaban

BULUNG-bulungan na hanggang ngayon ay  hindi raw nagbabatian  sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Kahit daw nagsasalubong ang dalawa sa ASAP XV.

True ba na hanggang ngayon ay nag-iisnaban ang sikat na love team? True ba na pinaasa lang ni JL si Sarah kaya hindi sila okey ngayon?

Kaya  raw hindi matuluy-tuloy ang part 3 ng kanilang pelikula dahil kailangan daw ng masigasig na pagkumbinsi sa Pop Princess at sa parents nito.

Paki-clear nga!

YOUNG ACTOR, NADISGRASYA

Nadisgrasya ang young actor at cast ng ‘My Driver Sweet Lover’ na si JR De Guzman sa production number ng kanyang grupo sa P.O. 5 noong lingo Oct. 17 sa  Broadway Centrum.

Ang siste, sa kasagsagan ng kanilang production number ay biglang natapilok si JR na naging dahilan para mapilay ang isang paa nito. At kahit nga may nararamdamang sakit ay hindi huminto si JR sa sayaw at tinapos nito ang kanilang number.

Pagkatapos na pagkatapos ng kanilang numero ay paika-ika itong nagtungo ng dressing room at doon na ininda ang sobrang pananakit ng paa.  Namaga ang paa ni JR at sinabihan ang mommy ng young actor na dalhin na ito sa VRP Medical Center para matingnan.

Dahil sa nangyaring disgrasya ay hindi na rin nagawa pa ng young actor na maka-punta sa SM Sucat para sa promotion ng  bagong serye na kasama siya sa TV5. Ito’y ang ‘My Driver Sweet Lover’ na tinatampukan nina JC De Vera at Danita Paner.

RHIAN RAMOS, PUPPY LOVE NI GERALD SANTOS

Napangiti na lang  si Gerald Santos nang tanungin  ang isang awiting sinulat niya para kay Rhian Ramos.

“Two years ago na po yun, e!” natatawa niyang sabi. “‘Yan po yung ‘Kailan Masasabi.’ Kasi po crush ko siya nung time na ‘yon.

“Nagkasama kami sa isang event, so parang ‘kailan ko masasabi itong pagtingin.’ Iyan yung linya sa song.

“Puppy love lang yun. Two years ago (pa yun), I was 17 years old at that time… Wala na.

“Pero hindi natin mai-deny na napakaganda po ni Rhian. Hindi mawawala yung crush ko sa kanya.

“Hindi ko po nasabing direkta yung gusto kong sabihin. Pero kinanta ko po yung song sa kanya sa SOP kaya nalaman po niya,”  bulalas  ni Gerald sa kanyang album launching na ‘Pinakahihintay, The Repackaged Edition’ na ginawa sa Techno Wave Bar..

Nasa poder na ngayon ng TV5 si Gerald at regular siyang napapanood sa Sunday musical-variety show na P.O.5. May posibilidad din na maging Kapamilya pa si Gerald dahil until now ay  wala pang kontrata si Gerald sa Kapatid network.

“Sabi po nila, marami pang changes na ginagawa sa TV5. Yung music pa lang nila ay P.O.5 pa lang.  Nakikipag-usap po kami na handa na po akong umarte.  Hindi po natin alam baka very soon, pumirma po ako ng kontrata,” deklara niya.

Natutuwa si Gerald sa mga nakakapuna na nag-improve siya sa pagkanta. Sabi nga ng mga press people, papunta na si Gerald sa level ni Eric Santos at mas magaling pa siya kay Christian Bautista.

Palakpakan  ang movie press nang gayahin ni Gerald  ang boses nina Martin Nievera, Gary V, Ogie Alcasid, Janno Gibbs at may medley siya ng mga kanta ng mga ito. Request nga namin, kantahin ito ni Gerald sa November 27 show  sa Metro Bar.

“Ngayon ko po uli narinig yung mga ganyang compliments. Nakakataba po ng puso. Sana magtuluy-tuloy na po.

“Saka isa pa, nagkaroon ako ng sarili kong individuality as an artist. Hindi na ako ikukumpara ke ganito o ganyan.

“Gusto ko pong dumating yung point na ‘eto si Gerald Santos, eto ang style niya. Pag narinig ninyo ang kantang ito, si Gerald ‘yan. Pag napanood ninyo siyang mag-perform, tatak Gerald yan,” aniya pa.

Twelve original songs ang laman ng kanta ni Gerald sa kanyang abum na kung saan ay may Christmas Song siyang “Aking Mahal, Maligayang Pasko”  . Prodyus ito ng Prinstar Music Philippines under Polyeast Record. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply