Sarah Geronimo, nag-neto ng P148-M sa TV commercials pa lang

ISANG sikat na celebrity ang aming naka-chikahan recently lang na close sa movie and TV producer at manager ni Sarah Geronimo na si Boss Vic Del Rosario.

Say pa nito sa amin certified batang milyonarya na itong si Sarah dahil kumita ito last year of 2009 ng netong 148 million sa mga ginawa nitong iba’t-ibang TV commersial. Yes, sa TVC lang ito ng Pop Princess(Sarah) hindi pa kasama rito ang mga kinita niya sa kanyang concerts dito sa Pinas at abroad at Sunday musical show na kinabibilangan sa Dos na ASAP XV. Kung susumahin eh, baka umabot sa 200 million ang net income na naibigay ni Boss Vic sa kanya.

And we heard na 20 years ang pinirmahang kontrata ni Sarah sa ilalim ng pamamahala ng Viva Entertainment sa kanyang karera. So, kung noong 2004 nag-sign-up ng contract si Sarah eh, di sa 2024 pa mag-e-end ang kontrata nito sa business manager na si Boss Vic. At kung malaki ang kinita ng daughter na ito ni Mommy Divine last year sa kanyang mga TVC this year sa dami ng commercials na mga ginawa ni Sarah ay doblehin mo raw ang papasok na pera sa kaban ng mga Geronimo. Sa Globe commercial pa nga lang raw nito ay binayaran na si Sarah ng nakalululang TF na 18 Million. ‘Yun na!

POKWANG, AYAW NANG PAAPEKTO SA INTRIGA, MAGPAPATAWA NA LANG

Tapos, na para kay Pokwang ang isyu sa kanila ni Cristy Fermin. Kung patuloy pa rin siyang ookrayin ng TV host na ito ay wala na siyang magagawa basta para sa kanya naiyak na niya ang lahat ng mga birada sa kanya ni CSF so ayaw na nitong pag-usapan pa kung ano man ‘yun. Ang mahalaga raw ngayon kay Pokie ay makapag-entertain siya ng kanyang audience lalung-lalo na sa darating niyang Comedy concert entitled “Endangered Species” with Pooh, Chokoliet, Mahal and Tita Elizabeth Ramsey. Pawang mga big Kapamilya stars ang magiging special guest ni Pokwang sa kanyang sunud-sunod na three-night concert na gaganapin sa Aliw Theater sa Roxas Boulevard gaya nina Sam Milby at Divine Diva Ms. Zsa-Zsa Padilla, Melai Cantiveros, Piolo Pascual, Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang madalas na i-spoof ng komedyanang TV host sa Banana Split na si Mommy Dionesia Pacquiao.

***

Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga Sumugod Sa Barangay Rosario, Montalban Rizal

Noong nakaraang paghagupit ng Bagyong Ondoy ay naging kalunus-lunos ang mga sinapit ng dalawang daang Pamilya, ng Barangay Rosario, Montalban Rizal na lumubog at tinangay ng agos ang kanilang mga tirahan kasama ng kanilang mga kagamitan. At hanggang ngayon ‘yung iba sa kanila ay hindi pa rin nakakabawi.

Kaya naman lumapit ang kanilang mabait at matulunging Kapitana na si Emy Manuel sa vice-president ng Tape Incorporated at namamahala ng Eat Bulaga na si  Malou Choa-Fagar upang hilingin sa lady boss na sa lugar naman nila idaos ang kasiyahan at pamimigay ng sangkatutak na mga grasya(cash at sari-saring papremyo) nina Wally Bayola at Jose Manalo sa “Juan For All, All For Juan” Sugod-Bahay sa Barangay.

Dahil sa ito talaga ang numero unong priyoridad ng Bulaga ang makatulong sa mga mahihirap nating mga kababayan, pinagbigyan ni Ma’am Malou ang

kahilingan ni Kap. Emy Manuel noong Tuesday nga sa nabanggit na lugar nag-share ng kanilang blessings ang Eat Bulaga Dabarkads sa pangunguna nina Bossing Vic Sotto, Wally at Jose. May tumanggap ng 25,000 cash plus gift items, at apat ang nabigyan ng 10,000(each). Lahat ng mga hindi nanalo ay pinagkalooban rin ng cash ng Eat Bulaga. Peter S. Ledesma

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply