Feliciano Belmonte kumontra sa SC

NANAWAGAN kahapon si Speaker Feliciano “SB” Belmonte Jr. sa Korte Suprema na i-lift na ang inisyung status quo ante order at respetuhin ang aniya’y “exclusive power” ng Kamara de Representantes sa proseso ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Si Belmonte ay naghain ng mosyon na nagsasabing hindi wasto ang inisyung kautusan ng mataas nakorte.

Aniya, ang status quo order, “emasculates the power of the House of Representatives to exact any form of accountability from the Ombudsman, and endows Gutierrez with the status of an untouchable.”

Ipinagtanggol din ni Belmonte ang umano’y paglabag ng House committee on justice sa isinasaad ng Konstitusyon na hindi dapat sampahan ng mahigit sa isang impeachment complaint ang isang opisyal sa loob ng isang taon.

Ipinaliwanag ng Speaker na  totoong dalawa ang reklamo, ngunit sabay itong ini-refer sa komite.

Binanggit ni Belmonte ang “case of Francisco vs. House of Representatives, noted that an impeachment complaint is deemed initiated upon its referral to the Committee on Justice, and not when it is filed.”

Kasabay nito ay hiniling din ni Belmonte sa SC na i-dismiss ang petisyon ni Gutierrez sa pagsasabing ito ay “premature” dahil sa halip na sagutin nito ang reklamo sa komite ay agad siyang nagpasaklolo sa SC.   Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply