SC inupakan sa Kongreso

LANTARANG  kinastigo ng isang abogadong  senador  at abogadong kongresista ang Supreme Court sa pagiging “balat sibuyas” nito sa pagbibigay ng kritisismo ng UP Law 37 hinggil sa pangongopya ng parirala at pananalita sa ginawang desisyon nito nang walang pagbabanggit sa pinagmulan.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi tumutugon ang impasse sa pagitan ng Mataas na Hukuman at University of the Philippines Faculty of Law sa kalayaan sa pamamahayag o freedom of expression.

Bilang dating miyembro ng UP Law faculty, malaki ang paniniwala ni Escudero na hindi  dapat magiging balat-sibuyas ang sinumang opisyal ng pamahalaan kabilang ang miyembro ng hudikatura hinggil sa salungat na opinyon na pinapayagan sa isang demokratikong bansa tulad ng sa atin.

“SC members, as all other government officials, are always under public visibility, thus criticisms such as that from the UP Law faculty should be taken constructively, especially given the fact that even our Supreme Court had the matter already investigated,” giit ni Escudero.

Kasabay nito, isang  resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes  na kumokondena  sa resolusyong inilabas ng Korte Suprema na nag-uutos sa mga propesor ng UP Law na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat tanggalan ng lisensya bilang mga abogado. Ernie Reyes/ Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply