Scandal ni Mark Herras pinagpipiyestahan

SINAGOT ni Mark ang lahat ng tanong at haka-haka tungkol sa masturbation issue niya sa isang website sa internet.

Supposedly, Mark Herras is seen in the internet na may ka-chat na kapuwa niya macho at dito nga niya ipinakita ang fully-erected niyang notes.

May implication na bading daw si Mark at ngayon nga pinagpipiyestahan ang naturang scandal na kalat na kalat sai nternet.

And take note, may specific date na nakalagay dun sa mga na-capture na video at may plausible explanation tungkol dito si Mark.

Ayon kay Mark, “[Yung date sa picture] April 8, may event sa GMA —Party P at may GMA Trade launch din. Yun ang time na pinauwi ako ng Party P dahil sa heart burn ko. Kung natatandaan nio po, yun ang nag-heart burn ako.”

Kung pagbabasehan daw ang naitalang oras sa web chat, naganap daw ang pakikipag-chat ng sinasabing Mark H from “01:54 to 2:11 a.m.”  Same time na kung saan ay nagaganap naman ang isang GMA event at nakuhanan pa raw ng Startalk. Pero ayon nga kay Mark, hindi niya natapos ang event.

“Humingi ako ng time from GMA para makapagpahinga. Maka-recover. Tapos may lumabas na naman kung anong isyu.  Ewan ko kung bakit ayaw nilang manahimik ako. Gusto nila maingay palagi.”

Ayon kay Mark, hindi raw siya madalas makipag-chat gamit ang webcam. Pero paano nga bang may lumabas na conversation sa web chat na galing sa diumano’y Mark H?

“Hindi, e. At saka, hindi ako gumagamit ng account na pangalan ko, e. Alam mo yun, yung personal na ‘Mark Angelo Herras.com.’ Hindi ako gumagamit ng ganoon. Never akong gumamit. Ever since I started in showbiz, from day one, never akong naglagay ng pangalan ko. Kahit pa sa Friendster dati, then Facebook, never akong gumamit ng Mark Angelo or kahit yung surname ko na Herras.”

Naalala rin ni Mark na base sa date na sinasabing April 8, 2010, ito raw ang mga panahong may balbas pa siya at hindi maaaring mag-ahit dahil makakasira sa continuity ng kanyang character sa dati nilang afternoon soap opera ni Jennylyn Mercado na Paano Ba Ang Mangarap and later, for Langit Sa Piling Mo.

Ang Mark H sa screen cap ay wala namang makapal na bigote at balbas.

Ayon nga kay Mark, “May bigote at balbas ako noong [April 8.] Halos half a year  ‘yung bigote at balbas [ko], ever since Paano Ba Ang Mangarap Pa?”

Ikinatawa na lang daw ni Mark na ang lumalabas na ka-chat ng Mark H ay isa pang lalaki.

“Nakikipag-chat ako sa isang maskuladong lalaki? Ano ba naman? Gusto ba nilang i-insinuate na bading ako?  Parang yun ang isa sa mga nakakatawa ro’n sa intriga. Pero, bakit naman kailangang gumawa ng ganoong klase ng isyu, ‘di ba?

“Hindi ko siya kailangang gawin o pag-aksayahan ng panahon… Sobrang saya ng buhay ko ngayon.  Ang dami kong kinakalibangang bagay.”

Kung may concern man daw sa ngayon si Mark, ito ay sa mga taong gumagawa ng ganoong isyu.

“Sana lang, maisip nila yung epekto nito sa family ko. Sa tatay ko, sa nanay ko, sa tito ko, sa mga kapatid ko, kay Yna [Asistio]. Ayokong nasasangkot sila sa mga ganitong klaseng intriga or sa mga ganitong klase ng isyu.

“Pero ako… hindi ako naapektuhan sa mga ganoong klase ng intriga. Basta huwag lang nilang idamay ang family ko.” Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply