Sec. De Lima magbibitiw?

ISANG araw makaraang lusawin ng Malakanyang ang rekomendasyong isinumite ni Justice Secretary Leila de Lima, hepe ng Incident Investigation Review Committee (IIRC) na nag-imbestiga ng kontrobersiyal na hostage-taking drama noong Agosto 23, inamin ng kalihim na posibleng  magbitiw siya bilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“I am aware of the fact that certain people from certain quarters have suggested, if not prodded me, that I tender my resignation as early as when the President directed a review (of the IIRC report). I can say at the moment that the matter on whether or not to resign will be purely my judgment,” pahayag ni De Lima.

Dagdag pa niya: “I have to be honest that that idea crossed my mind. Resignation is always an option but it is going to be a serious decision, a serious matter to consider. So, I’ll see you in the next few days.”

Nirerespeto umano ni De Lima at ng kaniyang mga kasamahan sa IIRC ang naging desisyon ng Malakanyang na baguhin ang ilang rekomendasyon na nakapaloob sa committee reports kaugnay sa mga kapalpakan ng ilang opisyal ng pamahalaan na sangkot sa hostage-taking fiasco na ikinasawi ng walong turista mula sa Hong Kong.

Samantala, tinawag ni De Lima na isang “watered-down version” ng kanilang rekomendasyon ang inilabas ng Palasyo na IIRC report sa publiko.

Ilan umano sa mga rekomendasyon ay buong tinanggap ng Malakanyang, subalit ang iba, kagaya ng findings na “gross incompetence” sa ilang opisyal ng pamahalaan, ay naibaba sa “neglect of duty” lamang at hindi na maaaring kasuhan ng anumang kasong kriminal at administratibo.

Sa isinapublikong IIRC report ni Pangulong Aquino noong nakaraang Lunes, inalis ng Palasyo sa rekomendasyon na may pananagutan si Manila Mayor Alfredo Lim sa palpak na paghawak sa krisis, samantalang si Interior Undersecretary Rico Puno na inirikomendang may administratibong pananagutan ay nasabon lamang.

Sa inilabas na official statement ng IIRC, sinabi nitong inaasahan na ng mga miyembro ng probe body na hindi naman talaga susundin ng buong-buo ang kanilang rekomendasyon mula pa sa umpisa ng pagsisiyasat.  Kris Jose/Gil Q. Bartolome

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply