Sec. De Lima talo kay Ping sa ‘taguan-pung’

INAMIN  kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na nahihiya siya dahil sa kabila ng pagsusumikap ng gobyerno ay hindi pa rin nila mahanap si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

“Honestly, I am embarrassed because up to now, we don’t know where he is,” sinabi ng kalihim.

Nilinaw ng kalihim na lahat ng pagsusumikap ay ginawa ng pamahalaan kabilang dito ang pagbibigay ng red notice, pagkansela ng pasaporte ni Lacson at pakikipag ugnayan sa mga awtoridad sa ibang bansa subalit hindi pa rin malaman ang kinaroroonan ng Senador.

Subalit ang malaking katanungan umano ay kung nasa labas na ng bansa si Lacson o nagtatago lamang sa bansa dahil sa lahat umano ng ginawa ng gobyerno ay wala pa rin itong resulta.

Nanatili pa ring nagtatago si Lacson matapos una nang ibasura ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ng kampo nito na ipawalang bisa ang warrant of arrest laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply