Sekyu kinatay ng tatlong bangag

NAMATAY ang isang security guard matapos tadtarin ng saksak ng tatlong hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot  kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Donato Tiangco ng Valenzuela Hospital ay nakilalang si Christopher Choy, 26, may-asawa, at residente ng Macanas st., Panghulo ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek na kaagad na naaresto ay sina Ryan Roxas, 30, binata, ng Camias, st., Maysilo; Alex Rozales, 30, may-asawa, ng Panghulo; at  Hay Art Lopre, 22, residente ng Upper Salvacion, Muntinlupa City.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Gerry dela Torres, ganap na alas-tres kahapon ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Mulawin st. sa Brgy. Panghulo. Base sa saksing pedicab driver na si Jester Sapno, 19, magkasama ang mga suspek na pawang sakay sa isang depadyak habang ang biktima ay naglalakad lamang.

Nang magkasalubong ang mga ito ay agad nagsibaba sa sasakyan ang mga suspek at inundayan ng saksak ang nabiglang  biktima.

Mabilis na isinugod si Choy sa pagamutan habang ang mga suspek ay nagtangka pang tumakas, subalit hindi na nakaporma sa mga pulis na rumesponde sa insidente. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply