Sekyu tigok nang paulanan ng bala

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang civilian security makaraang paulanan ng bala ng hindi nakilalang lalaki habang papauwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Alingaro, General Trias, Cavite kahapon ng madaling araw.

Sa nakalap na ulat ng tanggapan ni Cavite Provincial Director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Jose Amparo, alyas Joel, 34, may-asawa, civilian security officer ng Eagle Ridge Golf and Country Club at kasalukuyang nakatira sa St. Francisville ng nabanggit na lugar.

Hindi nakilala ang salarin na mabilis na nakatakas matapos ang ginawang pamamaril na sakay ng isang kulay puting kotse na may plate number SVD-727, tangay ang baril na ginamit.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jon-Jon Pilapil, dakong alas-6:30 ng umaga,  sakay ang biktima ng Honda XRM Motorcycle na kulay puti na may plakang IT8848 papauwi sa kanilang bahay galing sa paghahatid sa anak sa eskuwelahan. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply