Sekyu tinarakan ng 3 kabataan

HIMALANG nakaligtas ang isang private security guard sa kamatayan matapos kuyugin ng tatlong kabataan at pagsasaksakin saka tinangay ang baril nito sa Sepac Almacen, Navotas City.

Ang biktima na nagtamo ng ilang saksak sa katawan at  nilapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Erick Reyes,  23, residente ng Alley 4, A. Santiago st., ng nasabing barangay.

Agaran namang inatasan ni Supt. Bernard Tambaoan, ang kanyang mga tauhan para dakpin ang dalawang nakalalaya pang suspek na sina alyas Laway at Bukas matapos ituro ng nadakip nilang kasama na si Jayson Obeja, 19, binata.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Edwin Guzman,  ganap na 1:30 kahapon ng madaling araw, nang maganap ang insidente makaraang magkasalubong ang mga ito sa daan.

Base sa suspek na si Jason, nagkaroon sila nang mainitang pagtatalo at aktong nagbunot ng baril si Reyes  kaya kaagad nila itong pinagtulungan.  Bumunot ng patalim si Laway at walong ulit na sinaksak ang biktima hanggang sa maagaw ang kalibre .38 na baril na itinakas naman ni Bukaw. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply