Sen. Manny Villar todo suporta kay Willie Revillame

MULI nating napanood si Willie Revillame sa pagsisimula ng pinaka-aabangang palabas na “Willing Willie” sa TV 5 noong Sabado, Oktubre 23.

Nagpasalamat si Willie sa pamunuan ng ABS-CBN lalo na kina Gabby Lopez at Charo Santos sa pagbibigay ligaya sa mga manonood sa loob ng  lima at kalahating taon. Ang mga palakpak ng mga fans ang nagbigay lakas loob sa kontrobersyal TV host. At lalo na sa pagtanggap sa kanya ng TV 5 sa pamumuno ni Manny V. Pangilinan. At higit din nagpapasalamat si Willie kay Sen. Manny Villar sa pagsuporta sa kanya sa hirap at ginhawa.

Pinatunayan ni Sen. Villar na hanggang ngayon todo-suporta sa kaibigan. Mula pa nu’ng presidential sorties, hindi man pinalad sa nakaraang national elections, hindi pa rin niya iniwanan si Willie Revillame.

Nagbiro pa si Willie, isang ‘Manny’ lang ang hindi dumating. Yes, si Cong. Manny Pacquiao ay matalik ding kaibigan ni Willie. Nasa US of A si Pacman para sa  kanyang nalalapit na laban sa ibabaw ng lona.

Nagpahayag din si Willie na 12 bahay ang ibibigay na tulong ni Sen. Villar para sa naturang programa.

Samantala, bongga ang “Willing Willie” set. Talagang milyones ang ginastos dito ng Wil Productions.

Ang milyones na halaga ng dressing room ni Willie ay sagot ng TV 5. Kasama na rito ang lighting sa set ng “Willing Willie”.

May mga bagong segment na “123 Go!” kung saan 50 studio audience ang may pagkakataong sumagot sa mga trivia questions na maaaring sagutin ng 1, 2, o 3. Lolobo ka sa katatawa sa “Family Apir”. Sa larong ito, pabilisang papuputukin ng mga pamilyang may apat na miyembro ang sampung lobo. Nakakalulang papremyo naman ang hatid ng “Spin a Wil”, ang finale game  kung saan maaaring manalo ng bagong kotse, lupa’t bahay at isang milyong piso.

Paikutin ang swerte sa pamamagitan ng pag-ikot ng tatlong beses sa roleta. Kapag nabuo ang W-I-L sa tatlong ikutan, maiuuwi na ang lahat ng papremyo.

Nakaka-antig naman ang mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon sa “Wiltime Bigtime”. Binibigyang-tinig ng programa ang mga kwento mula sa mga basurero, labandera, sekyu, estudyante, guro, tindero at iba pa.

Ang “Willing Willie”, Lunes hanggang Biyernes, 6:30-8:30 pm at Sabado, 5-7 pm sa TV5.

LOVETEAM NINA KIM AT GERALD LALONG TUMIBAY

Anumang dagok ang dumating sa buhay nina Kim Chiu at Gerald Anderson lalong naging matibay.

Patunay nito, sa mga out of town shows sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas nandu’n ang sweetness ng isa sa hottest loveteam sa Philippine cinema.

Mas naging matatag  ngayon ang kanilang relasyon sa anim na taon nilang magka-loveteam mula nang lumabas sila sa “Pinoy Big Brother” house. Mas lalo silang malapit sa isa’t isa dahil sa dami nilang pinagdaanan. Isa sa mga nagpalakas ng kanilang relasyon ay ang mga pagsubok na kanilang nalampasan.

Kung maaalala, kamakailan lang ay napabalitang nagkahiwalay na ang dalawa dahilan kung bakit nagalit ang kanilang mga fans.

Yes, muling kikiligin nina Kim at Gerald ang kanilang mga fans sa muli nilang pagtatambal sa ginintuang talon, ang “’Till My Heartaches End” under Star Cinema sa direksyon ni Joey Reyes. Palabas na ngayon, October 27 sa mga sinehan nationwide.

OFFICIAL STATEMENT

Below is the official statement of Mrs. Ongpauco, Heart Evangelista’s mother and co-manager regarding the current issue on her management contract.

“We have always been Heart’s main Manager and have always been behind all the major decisions, projects and career moves of Heart even when we HIRED Anabel Rama to co-manage Heart. We do not wish to dignify her wrongful statements towards Heart. And we stand by our decision and it is our prerogative not to renew the co-management contract that we gave to Anabel when it expires in 2011.”

OooO

Ngayong Huwebes sa “Face to Face”,  episode  “Lasenggong bekimon, lagging away ang hamon”. Trio Tagapayo sina Atty. Persida Acosta, Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny MeridaSa Biyernes, “Inumang case to case, nauwi sa face to face”. Ang Trio Tagapayo ay sina  Atty. Benedicto Acosta, Jr., Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny Merida.

Ang “Face to Face” ay hosted by Amy Perez sa  TV5. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply