Sen. Panfilo Lacson purnada sa TRO

BIGO pa rin si Senator Panfilo Lacson na makakuha ng TRO sa Court of Appeals  (CA)  sa kahilingan na pigilan  ang warrant of arrest na ipinalabas ng Manila RTC sa kaso ng pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000.

Sa 2-pahinang resolusyon na ipinalabas ni CA Sixth Division  Associate Justice Ramon Bato, Jr., inatasan si  Manila RTC Branch 18  acting presiding Judge Thelma Bunyi-Medina  at pamilya Dacer na magsumite ng kanilang komento sa petisyon ni Lacson.

Una nang nagsampa ng petition for certiorari  si Lacson hinihiling na ipawalang saysay ang naging desisyon ng mababang korte na nagbbabasura sa mosyon ng Senador na i-revoke ang naturang warrant of arrest.

Binigyan ng CA ang sampung araw si Acting presiding Judge  Medina at pamilya Dacer para magsumite ng kanilang komento. At saka pa lamang maglalabas ng desisyon ang CA maliban na lamang kung kailangan pang magsumite ng kani-kanilang memoranda.

Kabilang sa mga pumabor sa resolusyon ay sina CA  Associate Justices Juan Enqiruez Jr., and Florito Macalino. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply