Senado lulusawin ang Road Board

NAKATAKDANG lusawin ng Senado ang kontrobersiyal na Road Board na kumukuha ng sariling pondo mula sa motor vehicle’s user’s charge (MVUC) na hinihinalang ginagawang gatasan ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, may eksklusibong kapangyarihan ang Road Board sa lahat ng proyekto nito na pinopondohan mula sa road user’s tax na taliwas sa espisipikong paggagamitan tulad ng pagmementine ng lansangan, pagpapaunlad ng drainage system, paglalagay ng road safety devices at pagkontrol sa polusyon sa hangin.

“We have heard horror stories regarding the use of MVUC. The problem is the board is the one who determines what the projects are. We
cannot help but raise eyebrows when you look at the usage of MVUC,” ayon kay Drilon.

Kinuwestiyon din ni Drilon ang kapangyarihan ng board na maglaan ng pondo dahil tanging Kongreso lamang ang siyang may karapatan na tukuyin kung saan gagamitin ang salapi ng bayan.

Sinabi pa ni Drilon na hindi bahagi ng taunang badyet ang MVUC kaya’t nananawagan ang senador na ilantad ang pinaggamitin ng pondo nito at kailangan gamitin ang Kongreso ang kanyang kapangyarihan. “Dapat ideposito ang pondo sa national treasury at ilaan ng Kongreso sa badyet.”

Kabilang sa bahagi ng hindi tamang paggamit ng pondo ang diversion mula sa espisipikong paggagamitan alinsunod sa itinakda ng batas tulad ng pagbabayad sa sahod, allowance at maintenance and other operating expenses.   Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply