Senado naalarma sa pinsala ni ‘Juan’

NABABAHALA ngayon ang Senado sa pagkasira ng mahigit P1.5-bilyon palayan sa lalawigan ng Isabela dulot ng panananalasa ng bagyong Juan, kaya’t kinalampag ng isang senador ang banking system na magpa-utang sa magsasaka at mangingisda.

Sa pahayag na ipinalabas matapos iulat ng National Food Authority (NFA) na aabot sa 1.8 milyong sako ng palay ang maaaring sinira ng bagyong “Juan,” ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ani Revilla, dapat kumilos kaagad ang Department of Agriculture (DA) upang kalampagin ang banking system.

Sinabi ng senador na kailangang mahigpit na ipatupad ng DA ang Agri-Agra Reform Credit Act na pinagtibay ng Kongreso noong Pebrero upang mabigyan ng pautang ang magsasaka at mangingisda na sinalanta ng bagyong Juan.

“Kailangan makuha ng magsasaka at mangingisda ang benipisyong handog ng Agri-Agra- Reform Credit Act partikular sa apektadong lugar na sinalanta ng bagyong Juan upang makabawi sila sa produksiyon na sinalanta ng kalamidad,” ayon kay Revilla.

Inihayag ng NFA na maaaring sinalanta ng bagyong Juan ang mahigit 232,169 tonelada ng palay sa norte, na umabot lamang sa 30 porsiyento ang naani.

Pinakagrabe pa dito na mahigit 1.8 milyon sako o nagkakahalagang P1.53 bilyong palay ang sinalanta sa Isabela.

Nitong Lunes, mahigit 15,000 sako ng bigas sa dalawang imbakan ng NFA sa Isabela ang sinira ng bagyo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply