Service crew hinoldap ng baril-barilan

HINDI tunay na baril ang ginamit ng isang holdaper nang nakawan nito ang isang service crew sa isang burger stand sa Caloocan City. Nadakip naman si Reynaldo Balasbas, 34, ng Paradise, Tonsuya, Malabon City.

Sa ulat, dakong 1:15 ng madaling araw, nakabantay ang biktimang si Analyn Cagumay, 18, ng Letre, Tonsuya, Malabon City sa Burger Machine stand sa Sabalo st., Caloocan nang tutukan ng baril ng suspek at holdapin.

Nagkataon na napadaan ang mga awtoridad at nakita ang nangyayari kaya’t bago pa makuha ng suspek ang perang benta ng biktima ay nadakma kaagad ito ng awtoridad.

Nang tingnan ang baril ng suspek ay napag-alamang replika lang ito ng Magnum na baril.

Gayunpaman, idiniretso pa rin ng mga pulis ang suspek sa selda dahil sa tangkang panghoholdap. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply