Shaina at John Lloyd, naka-move on na sa ‘lock issue’

UNTI-unti nang nakakabawi sa matinding depression at dagok ng buhay ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Mula nang batuhin sila ng mga intriga na kesyo hindi nabunot ang ari ni John Lloyd sa hiyas ng pagkababae ni Shaina, para silang pinagsakluban ng langit at lupa.

Parang mga nakakadiring salita para sa dalawa ang “penis captivus” at “vaginismus” dahil wala silang kalaban-laban kaninuman na magsabog sa kanila ng malisya.

Bagamat nagsalita na si Magdayao kaugnay sa isyu, hindi pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya.

Parang laging may tabak ni Damocles sa kanyang ulunan at ayon sa peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas na malapit na malapit sa mga Magdayao, ayaw nang makipag-usap sa estranghero ng bunso nina Vina Morales.

Nadala na raw si Shaina sa pagtitiwala sa kapwa dahil napapagsamantalahan lang siya o kahit na kakilala ni Magdayao ay kinikilatis nang mabuti ng batang aktres ang motibo nito para hindi siya muling mapahamak.

***

Sabay ngang nagpunta at bumati sina John Lloyd at Shaina sa kaarawan ni German Moreno para patunayang walang masamang nangyari sa kanila.

Halatang-halatang mahal na mahal ni Shaina ang kanyang boyfriend na mas matanda kaysa kanya pero keber dahil suko sa langit ang pag-ibig ng dalaga sa binata.

Biglang may nasabi si John Lloyd na parang nadulas siya at buong puso at kaluluwang sinalag siya ni Shaina sa pamamagitan ng pagsapo sa noo ng batang aktor.

Tipikal na tatay-tatayan, pinangaralan ni German na huwag makinig sa mga maling impresyon at kuwento ang magkatipan para manatili at mapanatili ang pagmamahalan sa isa’t isa.

***

Galit na galit pa rin ang jeweler at kaibigan ng fashion designer na si Boying Eustaquio na si Allan Cruz kay Teri Onor.

Ito ay kaugnay sa utang pa rin ni Teri kay Allan na nagkakahalaga ng P366,000 humigi-kumulang sa kinuhang alahas ng komedyante sa kanya.

“Ipaglalaban ko talaga ang utang na ‘yon ni Teri sa akin. Akin kasi ‘yon. Pinaghirapan ko ‘yon. Itutuloy ko ang pag-apila sa kasong isinampa ko sa kanya. Malaki pa rin ‘yon. Sa hirap ng buhay ngayon, malaking halaga ‘yon at hindi ko basta kakalimutan. Kahit na nga P50,000 lang o kahit na sa beynte mil, marami nang nagkakapatayan, sa ganyan kalaki pa kayang halaga. Pero we won’t go to that extent,” paliwanag ni Allan.

Ayon sa jeweller, P100,000 pa lang ang naibabayad ni Onor sa kanya.

“Noong 2008 pa ‘yon at ano na ngayon. Sana , magbayad na siya. Nag-alok pa nga siya sa akin ng parang networking, naku, hindi ko na pinatulan. Kasi, baka, magparang bula ang pera ko sa kanya,” kuwento ni Cruz sa kaarawan ni Eustaquio.

Panay ang text ni Teri sa kanyang pinagkakautangan na puro pangako na siya ay magbabayad.

“Kaya lang, noong January pa nitong taon na ito siya promise nang promise. Ni hindi niya pinahahalagahan ang demand letter ko sa kanya. Sana , magising naman siya sa katotohanan at bayaran na niya ako,” pamamag-asa ni Cruz.

***

Itinanggi ng pamilya ni Cita Astals na pinababayaan nila ang aktres na ngayon ay nakikita na lang ng mga taga-showbiz na palabuy-laboy sa kalsada.

Ayon kay Fatima Astals, walang sakit ang kanyang kapatid at malusog na malusog ang isip nito kontra sa mga impresyon ng mga taga-showbiz lalo na nang ipalabas ang pagpapalabuy-laboy ng bituin sa “Wish Ko Lang” ni Vicky Morales sa GMA Network.

Inaasikaso anya nila si Cita.

Pero ang aktres na si Geraldine Tan ay naaawa sa sinapit ni Astals dahil anya’y idolo niya ito at kasama sa Repertory Philippines .

Naputulan na umano ng ilaw si Cita sa kanyang bahay dahil wala nang maibayad sa elektrisidad, isang bagay na itinanggi ng mga Astals. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply