Shaina, John Lloyd laging nag-aaway dahil kay Ruffa

NAKU, may naamoy na naman ang aming tsismosang kapitbahay na tila on the rocks na raw ang relasyon ngayon nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

Si Ruffa Gutierrez ang itinuturong dahilan kaya naman daw away bati at nadadalas na ang pag-aaway ng magdyowa.

Sana nga ay isa lang itong tsismis sa magdyowa na John Lloyd at Shaina, kaso nahuli yata ni Shaina na sa cellphone ng kanyang bf na mayroon na registered na namesung na Ruffa na tinatawagan yata ni John Lloyd si Ruffa.

Marami naman ang maghihinayang kung maging split na ang dalawa dahil mayroon na silang nabuo at nasimulan na pagmamahalan.

At ang kakaloka pang tsika ng  aming tsismosang kapitbahay ay ito raw nakakagimbal na rebelasyon ay itong may something daw na hindi malimutan si John Lloyd kay Ruffa.

Ano kaya ‘yung something na ‘yun na hindi makalimutan ni John Lloyd?

O, alam ko na ang iniisip mo, aminin?

Pero marami naman mga nagmamahal na friends, relative at mga fans ng dalawa na huwag naman humantong sa hiwalayan ang dalawa dahil sa tsika na nagtatawagan pa sina Ruffa at John Lloyd at hindi pa daw tapos ang communication ng isa’t isa.

O, my gosh!

Kung anuman ang something na ‘yun na ipinatikim ni Ruffa na hindi siya malimutan ni John Lloyd  na siya ngayon ang mitsa ng sigalot sa pagitan nina Shaina at dyowa nito..abangan!

MAMI-MISS ANG MATAGAL NA PAGKAWALA NI JUDAY

NAKA-FOCUS ngayon ang bagong ina na si Judy Ann Santos sa pagbe-breast feed sa kanilang panganay na anak na si Juan Luis o Lucho.

Medyo matatagalan pa nga raw ang pagbabalik- showbiz ni Juday dahil gusto niyang tutukan at siya mismo ang mag-alaga sa unang supling ng kanilang pagmamahalan ni Ryan Agoncillo.

No muna sa mga karaketan sa showbiz at gusto ni Juday na i-enjoy ang kanyang pagiging first mom. Mismong si Mommy Carol ay tuwang-tuwa sa bagong apo na si Lucho at ito nga raw nakasentro ang buong pamilya ni Juday at ito ang kanilang apple of their eyes.

Kailangan naman magkayod-kalabaw si Ryan Agoncillo ngayong bagong ama na ito at umaga na nga raw kung umuwi si Ryan na ikinatutuwa naman ng kanyang misis na si Judy Ann.

May mga offer na nabinbin at willing namang maghintay ang ilan para sa pagbabalik-showbiz ni Juday.

Magpapahinga muna si Juday at medyo matatagalan pero hindi naman niya sinabi na never na siyang magso- showbiz.

Malabo daw na makalimutan niya ang showbiz dahil ito ang kanyang first love at kung mag-showbiz man ang kanilang anak na si Lucho ay hindi naman daw nila ito tututulan.

Hindi naman kataka-taka kung pasukin ni Lucio ang showbiz dahil pareho naman taga-showbiz ang kanyang mga magulang.

Kaya sa mga fans na nagmamahal kay Juday babalik din siya pagtapos niya na arugain at palakihin muna sa kanyang pagmamahal si Lucho at saka siya babalik showbiz.

Ay, naku, mami- miss nga ng bonggang bongga si Juday sa kanyang medyo matagal na pamamahinga dahil sa pag-aalaga sa kanyang si Lucho.

‘Yun na! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply