Shannon Briggs nasa ICU, gulpi-sarado kay Klitshko

Isinugod sa ospital si American heavyweight challenger Shannon Briggs matapos na magtamo ng “broken left orbital bone, baling ilong, at punit sa kaliwang bicep” matapos ang kanilang laban ni WBC heavyweight champion, Vitali Klitschko.

Bagama’t hindi naman seryoso ang pinsalang tinamo ni Briggs ay kinailangan umano itong dalhin sa intensive care unit (ICU) ng Eppendorf University Hospital.

“He was in intensive care after the fight for precautionary reasons. The injuries are not life-threatening. He’s just banged up,” ayon kay Greg Cohen, Empire Sports and Entertainment promoter.

Sa nabanggit na laban, tagumpay na na-idepensa ni Klitschko ang kanyang WBC heavyweight title. “I gave everything, my hand is really sore, but his ability to take punches was impressive,” wika ni Klitshko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply