Sheree, imbiyerna sa halikan nina Iya Villania at Gian Magdangal

PASSIONATE ang kissing scene sina Iya Villania at Gian Magdangal sa dulang “The Wedding Singer” ng 9Theatrical Works at personal pa, sa ibabaw pa mandin mismo ng entablado ng Meralco Theater.

At ang tagal, mga kaibigan.

Umabot marahil ‘yon ng thirty seconds.

Magkalapat talaga ang mga nguso nina Iya at Gian at nang magkalas ang kanilang mga labi ay parang may nabunot na dila mula sa bibig ni Gian.

Kahit tanungin pa ninyo si Nikki Valdez na siyang puno’t dulo ng pagpapahalik sa kanila.

Para kasing nais sanayin ni Nikki si Iya na pumapapel na magpinsan sa musical dahil ikakasal na ang huli sa kanyang kasintahan pero sa puntong ito ay nagkaka-crush na sila ni Gian sa isa’t isa matapos hindi siputin ng kanyang mapapangasawa si Magdangal.

Kaya para praktisado si Iya, ipinahalik niya ito kay Gian na handa namang pagpraktisan.

Live ang kissing scene na ‘yon.

***

Kung miyembro ka ng audience, makikita mo, nasa ibabaw ang nguso ni Gian sa nguso ni Iya.

Pero hindi naman kumikibot o kumikilos man lang ang mga pisngi nila sa malapit sa labi kaya aakalain mong may trick o ilusyon lang ang halikang ‘yon.

Hanggang sa parang bunutin na nga ni Iya ang kanyang dila mula sa bibig ni Gian.

Nang tanungin namin sina Villania at Magdangal kung ang halikang bang ‘yon ay tunay o ilusyon lang, ang taning sagot ng batang aktres na nakakaintriga ay “what you see is what you get.”

“Talaga, walang tongue-to-tongue?” sabad naman ni Nikki.

Alam ni Valdez ‘yon dahil nasa tapat siya ng naghahalikang magiging magkasintahan.

Nakakaintriga rin ang sagot ni Gian na komersyalisado naman, “para mapatunayan po ninyo kung totoo o hindi, panoorin na lang po ninyo.”

Ayon kay Iya, nahirapan siyang sagutin ang tanong naming pero ang sabi naman namin ay ang dali lang ng aming tanong.

***

Nang dahil nga ba sa halikang ‘yon kaya wala at hindi man lang sumaglit si Sheree sa pagtatanghal ng ama ng kanyang anak na si Gian?

“Hindi po. She was supposed to watch,” halos sabay na pahayag nina Iya at Gian.

Pero ang kissing scene na ‘yon ay hindi naman talaga ang dapat habulin ng mga manonood kundi ang kahalagahan ng mensahe ng dula—na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga taong bigo sa pag-ibig.

Mahusay din si Pinky Marquez bilang lola ni Gian.

Naku, nag-rap pa naman si Pinky.

Bale ba’y hindi naman talaga second choice si Marquez sa dula kundi siya mismo ang unang kinontak para lumabas sa papel na ‘yon pero hindi nga siya puwede dahil may opisyo siya kay Raymond Lauchengco.

Si Enchang Kaimo ang ipinalit kay Pinky pero nawala rin si Enchang kaya naisingit din ni Marquez ang kanyang paglabas dito dahil lumuwag ang kanyang iskedyul kay Raymond.

***

Pinababalik ng Movie and Television Review and Classification Board ang pelikulang “Lilay Darling of the Crowd” na pinagbibidahan nina Albert Morales at Lando Perez.

Kasi naman, ayon sa MTRCB ay masyadong malaswa ang pelikula kung saan nagpagulung-gulong sa kama sina Albert at Lando bilang magkasintahan sa istorya.

Pinapuputulan ng sensura ang mga eksenang ito kaya mauurong ang premiere night nito.

Samantala, tuloy rin ang shooting ni Lando ng “Bingwit” sa Bolinao, Pangasinan ngayong linggong ito.

***

Nanumpa na si Mary Grace Poe-Llamanzares sa pagiging tagapangulo ng MTRCB dahil kararating lang niya mula sa Amerika.

Nang ipahayag ang kanyang pamumuno sa sensura ay nasa Estados Unidos ang aktres kasama ang kanyang inang si Susan Roces.

Nang bumalik naman sila sa Pilipinas ay ang kanyang tiyo naman na si Freddie Poe ang umalis patungong ibang bansa.

Kaoopera lang ni Freddie sa puso.

Nanumpa si Mary Grace kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacañang noong Huwebes.

Ano ang mga naghihintay na paghamon kay Poe-Llamanzares sa pamumuno ng pinakasensitibong ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa showbiz? Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply