Sid Lucero, nominated sa Emmy Awards

ITAAS ang kilay, mga syufatid! Nominado sa 2010 International Emmy Awards si Sid Lucero. Bongga, di ba?

Makakalaban ni Sid ang ilang actors sa Hollywood at ibang bansa para sa 38th International Emmy Awards best actor category.

Bukod kay Sid, nominado rin sa telenovela category ang “Dahil May Isang Ikaw.”

Last year, nominated rin sa International Emmy Awards si Angel Locsin. pero as expected, talo.

ARRAIGNMENT VS BARON GEISLER SI NATULOY

Hindi natuloy ang arraignment noong Miyerkules ng hapon laban kay Baron Geisler sa kasong sexual harrassment case na isinampa ni Yasmien Kurdi sa kanya.

Hindi kasi nakarating ang fiscal, pati sina Baron at abogado nito.

Kaya naman muling itinakda ang pagdinig sa Nobyembre 17 sa  Bocaue Municipal Trial Court.

Si Geisler ay ilang ulit nang inireklamo ng pambabastos. Ilan sa umano’y naging biktima nito ay ang kaibigang si Julia Clarete at ang anak nina William at Yayo Aguila na si Patricia Martinez.

Noong una, nagpahayag si Yasmien na bukas siya sa pakikipag-ayos kay Baron balang araw, ngunit noong Miyerkules, sinabi nitong hindi na siya makikipag-ayos pa kay Baron.

WILLIE REVILLAME,  HINAHARANG NG DOS

Mapupurnada yata ang pag-ere ng bagong show ni Willie Revillame sa TV5 na Willing Willie. Kai naman, pormal nang naghain ang Kapamilya network ng mosyon na humihiling ng temporary restraining order para sa paglabas ni Revillame sa Kapatid network.

Ayon sa ABS-CBN, hindi pa tapos ang kontrata ni Willie sa kanila. Ni hindi nga raw maaaring gamitin ni Willie ang pangalan nito o boses sa pag-indorso ng kahit anong produkto. Aba, e napakalupit naman pala ng Dos!

ENGAGEMENT RING NI ALFRED VARGAS PANGTOTOHANAN

Bumalik na sa Pilipinas si Quezon City 2nd District  councilor at actor Alfred Vargas. Suot nito ang agaw-pansing singsing , at kahit hindi  niya deretsahin, may palagay kaming nagpakasal na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu.

Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alfred sa Italy ay dahil sa mamamanhikan na ito sa pamilya ni Yasmine. Pero sabi ni Konsi Alfred, ang kanyang singsing ay simbolo lang ng kanilang “inspiration and unending commitment”  ni Yasmine.

Masyado namang showbiz. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply