Sidorenko nangangatog kay Donaire

ATAT man ay hindi rin umano maiwasang kabahan ni dating WBA bantamweight champion Wladimir Sidorenko (22-2-2, 7 KOs) sa kanilang laban ni interim WBA super flyweight champion Nonito Donaire (24-1, 16 KOs).

Ang kanilang sagupaan ay magaganap sa December 5 sa Anaheim, California.

Kinumpirma na rin ni Sidorenko ang nasabing laban.

Aniya, matagal na rin niyang inaasam na makalaban ang isang katulad ni Donaire.

Itinuturing niya itong isang malaking laban dahil nakataya rito ang korona ng kampeong Pinoy.

“Ako ngayon ay nasa bahay namin sa Sivastopol, Ukraine,” anang dating kampeon.

“Para sa akin, ito ay malaking fight. Masaya ako at makakalaban ko si Nonito.”

Siniguro rin ni Sidorenko na ito ay magandang laban para sa milyon-milyong nagmamahal sa boksing.

“Si Donaire ay mahusay na kampeon, isang fighter na matagal ko nang gustong makalaban,” dagdag ni Sidorenko.

Ayon sa kanya, nais niyang makilala siya ng mga fans  sa USA.

Isang linggo mula ngayon, magtutungo na ang grupo ni Sidorenko  sa Los Angeles para magsanay kasama ang trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach para paghandaan ang laban. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply