Silang mga tatakbo

TALAGANG pokpokan ang pangangampanya ng mga ambisyoso, este… nag-aambisyon na makakopo sa puwesto sa barangay at SK election.

Ngayon pa lang, panay na ang parada at pangungumbinsi sa mga botante na sila ang dapat mahalal.

Kaya dapat maging totoo sa sarili ang mga boboto at hindi ‘yung naakit lang sila sa kinang ng kakaunting barya na naiiabot ng politiko na gumagala sa kanilang barangay.

Pag-aralan mabuti kung iyon nga ba ay karapat-dapat na ipuwesto para manungkulan.

Para sa inyong lingkod, ang ilan sa dapat na manungkulan sa Brgy.  San Roque, DBB C, Dasmarinas, Cavite City ay sina Larry “Bebeng” Lorenzo,  Wilma Buenaobra at Glenda Ditondoy bilang kagawad.

Nanirahan din tayo sa lugar na iyan kaya nasisiguro natin na malaki ang maiaambag ng mga nabanggit sa kanilang lugar.

Itong si Mam Wilma ay nais na magkaroon ng livelihood program para sa mga ina na walang trabaho at mabigyan ng tulong sa kabuhayan.

Hayaan ninyo at ating tatalakayin ang kanyang proyekto saka magagandang balakin sa mga susunod na labas.

Samantalang sa Brgy. 153, district 1, Bagong Barrio, Caloocan City ay tinitiyak natin ang kahusayan at katapatan nitong public servant na si Ginoong Jojo Dematilla.

Kilala natin  ang mamang at likas ang pagiging mabait saka matulungin. Matagal natin siyang nakasama, lalo na sa radio, telebisyon at diyaryo.

Iyan ang dahilan kaya natin nasabi na isa siyang tunay na public servant. Na kahit hindi pa nanunungkulan ay nagsisilbi na sa kanyang kapwa, lalo na kung siya ang magiging ama ng isang barangay.

Tandaan po natin, na walang ama na nagnanais na hindi mabigyan ng magandang kabuhayan ang kanilang mga minamahal sa buhay. At ang pagmamahal na iyon ay hindi lang sa tahanan kundi para sa buo ang barangay na. At iyan ang ating kabigang Jojo, tatakbo ngang barangay chairman sa kanilang lugar.

Katiket niya bilang kagawad sina Andy, Beng, Chito, Ronnie, Sabath at Tyrone. Samantalang bilang sa SK chair naman ay si Miss Venus Dematilla

Ang mga SK kagawad naman sa kanilang grupo ay sina Shiela, Kimpo, Jermie, Jomardi Christian at Wency.

Para sa inyong lahat, mabuhay kayo!

“HOPE” HANGAD SA BARANGAY AT SK ELECTION

Hangad ng lahat ang ang pagkakaroon ng Honest, Orderly and Peaceful Election (HOPE) sa darating na halalan ng barangay at Samahang Kabataan (SK) sa Lunes, October 25, 2010.

Ito ang hangarin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting  at iba’t ibang sektor ng lipunan nang sa gayon ay maging maayos ang gaganaping eleksiyon.

Inatasan rin ang lokal na pulisya na dagdagan ang isinasagawang checkpoints upang mahuli ang mga gustong manggulo sa nalalapit na halalan.

Maging ang Reformed Department of Public Safety and Traffic Management ay tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa eleksiyon.

Samantala, sa naging talaan ni Northern Police District (NPD) director, Sr. Supt. Edgardo Ladao, walang anumang lugar sa 188 barangays sa Caloocan City ang maituturing na “hotspot”.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid ay maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply