Simpleng lifestyle – stress = masayang buhay

SIMPLENG lifestyle.

Nangangahulugan ng pagtitipid sa gastusin at panahon ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay.  Bawas stress pa.
Siyempre, magiging daan pa ito sa mas masaya at makahulugang buhay.

Ito ang payo ng ilang experts sa mga indibiduwal na halos hindi na makahinga sa kabi-kabilang gastusin at mga bayarin tuwing sasapit ang suweldo.  Sa hirap ng buhay ngayon at patuloy na krisis sa ating ekonomiya, panahon na para maging ‘practical’ tayo na bawasan at maging matalino sa bawat pagkakagastusan natin.

Pero paano at kailan nga ba dapat magsimula sa pagtitipid?  Naririto ang ilang simpleng tips na makatutulong na mapagaan ang gastos sa araw-araw:

Simulan sa mga gastusin sa bahay.

Ipunin ang mga lumang resibo at bills.  Kung naiwaglit mo na ang mga ito,  ilista kung ano ang mga pinagkagastusan.

Alamin ang mga gastos kada buwan.  Pagsama-samahin ang gastos sa loob ng 3 buwan para magkaroon ng idea kung gaano kalaki ang ginastos.

Rebyuhin ang mga gastos at iwasan  ang hindi mga kailangan. Marahil bahagi ng luho mo ang pagbili ng alak, ice cream, o extrang mga damit.  Iwasan na ito dahil hindi mo na ito kailangan pa kung marami ka pang mga damit na hindi pa nagagamit.  Iwasan an rin ang pagbili ng disposable items na regular na binibili.

Set a budget. I-compute kung magkano ang gagastusin mo sa sa loob ng isang buwan matapos na marebyu ang ‘expenses’ at i-itsapwera na ang mga bagay na hiundi naman mahaga.  Yung mga bagay na pwedeng matuloy ang ‘buhay’ kahit wala ang mga ito.  Isama lamang sa  budget ang mga kinakailangan.  Maglaan din ng konti para sa entertainment o gimmick dahil mahalaga din naman ang paminsan-minsang pagsasaya.

Ilan lamang ito sa ‘basic things’ para mabawasan ang gastusin sa bahay.  Naririto pa ang ilang ‘practical’ na pamamaraan:

Internet connection.  Sa pamamagitan ng internet coonection kung mayroon ka rin lang sa bahay, makakausap mo ang iyong mga kamag-anak, kaibigan .  Matatagpuan mo din ang mga kinakailangang impormasyon.  Kaya hindi na practical ika nga ang pagkakaroon pa ng telepono, cable TV subscription ng print materials.

Matalinong paggamit ng elektrisisidad.  Palitan ng ‘flourescent bulb’ ang ‘incandescent bulbs’ at gumamit ng ‘energy-efficient appliances’ o mga gamit na matipid sa kuryente.  Bunutin ang appliances kung hindi rin lang ginagamit.  Kumukunsumo din kasi ng kuryente ito kahit naka-off habang naka-plug.  Kung may sapat na bintana at pinto ang bahay, buksan ito para pumasok ang hangin mula sa labas.  I-set ang heater  at cooler sa sapat na ‘degrees’ dahil bawat  degree nito ay dagdag na konsumo sa kuryente.

Reuse. Sa halip na itapon ang mga boteng walang laman, mga lumang dyaryo, at shopping plastics, itabi ito para sa mga susunod na paggagamitan.  Mainam itong pamalit para sa canisters,  kitchen towels, at re-sealable sandwich bags.

Magbayad ng bills sa oras.  Kadalasang  may patong na interest kapag naantala ang pagbabayad ng iyong bills gaya ng telepono, tubig, kuryente, credit cards at iba pa.  Ang iba naman kailangang sa head office bayaran dahil hindi tinatanggap sa ilang paying stations ang ‘late payments.’  Kaya dagdag abala at gastos na naman sa pamasahe.  “Save some money on your bills by paying on time. You’ll also have a good credit standing when you make it a habit,” ayon sa experts.

Iwasan ang credit cards.  Kung di rin lang kailangan, iwasan ang pagkakaroon ng credit cards.  Tinutukso lamang nito ang tao na gumastos sa pera na hindi pa natin napasasakamay.  “You can prevent doing the same if you don’t have a credit card to use in the first place,” ang expert.

Magtipid sa gas.  Kung inaakala mong mas makatitipid ka sa gastos sa gasolina kung magbibiyahe ka sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon, gaya ng jeep, bus, LRT, MRT, at iba pa.  Hanggang’t maaari, gumamit lamang ng isang sasakayan para sa buong pamilya.

Sa mga negosyante

Dahil nga sa ‘financial crisis’ ngayon, hindi rin nakapagtataka na uso na rin sa mga establisemento ang tinatawag na  ‘cost-cutting’.  Kesa nga naman magsara, sinusubukan pa rin kung paano makatitipid mula sa pagpapasweldo hanggang sa produksiyon.

1. Kumuha ng ‘universal agents’ na maituturing na ‘efficient’ o mahusay.    Magagawa na ng sang agent ang pagsagot sa mga tawag kung may order,  makipagpalitan ng emails sa customers hinggil sa mga kaalaman kaugnay sa produkto o serbisyo ng kumpanya.  “These agents can also switch to other tasks as well which would result in maximizing productivity.”

2. Makipag-ugnayan sa iba pang negosyo at magpanukala na makipag-network sa kanila o ‘barter’ bilang kapalit ng kanilang serbisyo at produkto. You can also try networking with other businesses and trade mailing lists and business leads. This technique would cut down costs for both the agencies involved, in terms of marketing and advertising expenses.”

3. Bumili ng office supplies ng maramihan.  Maghanap ng wholesalers at manufacturers.  Dito, makakukuha ka ng ng mga produktong mababa ang halaga at minsan higit pa sa inaasahang diskwento kung bultuhan ang pag-oorder. Tumingin din sa  websites na nag-aalok ng ‘freebies’  at makipag-coordinate sa mga produkto at serbisyong kailangan mo.  Dito mo rin makikita ang mga garage sale.

4. Ugaliin din ang ika nga’y ‘going green’ sa mga establisemento.   I-recycle ang mga puting papel na nagamit na at pwede pang gamitin ang likod nito.  Makipagpalitan ng komunikasyon sa pamamagitan ng email sa halip na papel o fax.  Sa ganito, nababawasan ang mga gastusin sa opisina.

5.  Makatitipid din sa ‘charges’ sa komunikasyon sa pamamagitan ng  ‘audio’ at  ‘video conferencing’ sa pakikipag-meeting sa kliyente at iba pang ka-transaksiyon sa negosyo sa halip na magbiyahe.  N akatitipid ka pa sa panahon at oras ng biyahe.

‘Financial Literacy Act of 2008’ ni Sen. Sen. Santiago

Naniniwala si Sen. Miriam Santiago na napapanahon sa mga Pilipino ang magkaroon ng kaalaman hinggil sa wastong paggasta at matalinong pamamahala ng sariling pera gaano man ito kaliit para makaagapay sa krisis na kinakaharap ng ating ekonomiya ngayon.

Dahil dito, inihain ni Santiago ang Senate Bill No. 2933 o ang “Financial Literacy Act of 2008” para himukin ang educational institutions maging ang mga pribadong sektor na isulong ang financial literacy program.

“Filipinos should be taught to be smart on money matters—how to save money, spend it wisely, and make it grow,” ani Santiago .

Sa ganito aniya matututo ang mga Pilipino maging matalino sa pagdedesisyon hinggil sa tamang paggastos ng kanilang pera.

“Financial literacy can help Filipinos avail of financial reliefs provided by our government to help them prepare for their future,”  ani Santiago .

Sinabi pa ng senador na ang mga bansang Australia, Japan, the United States, at ang  United Kingdom ay mga progrmang pang-gobyerno para sa pagtataas ng uri ng financial literacy.

Samantalang sa bansa ay walang hiwalay na kurso para sa  financial literacy at  public school curricula, subali’t ayon sa  Department of Education ang progrmang tinatawag na “Estudyantipid” ay isinasama sa kursong Makabayan, isang regular na subject na nakapaloob sa  history, society, and culture. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply