Sixers tustado sa Heat

WALANG habag na dinurog ng Miami Heat ang Philadelphia 76ers sa kanilang sagupaan kahapon sa iskor na 97-87.

Nagbunga din ang pagsisikap nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh na makasikwat ng panalo ang tinaguriang Big Three.

Kumamada si James ng 16 points habang si Bosh ay humakot ng 15. Nahirapan naman ang Heat sa Sixers dahil umana pa ito ng 15-3 sa fourth na nagpahiwatig ng pagbabanta sa katunggali.

Sa bandang huli mistulang naubusan ng gasolina ang Sixers kaya nagiba ito ng Heat.

Samantala, umiskor naman si Kevin Durant ng 30 points para sa Oklahoma Thunder laban sa Chicago Bulls dahilan upang maitala ang 106-95 win.

Giniba rin naman ng New Orleans Hornets sa tulong ni Monty Williams bilang bagong head coach ng grupo ang Milwaukee Bucks, 95-91 habang ang San Antonio Spurs ay ginulantang ang Indiana Pacers sa opener, 122-109.

Nakabuena mano rin ng panalo ang New Jersey Nets, 101-98, laban sa Detroit Pistons sa ilalim ng pamamahala ni Russian billionaire Mikhail Prokhorov. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply