Smart-Gilas at Kuwaiti 5 maghaharap sa tune-up games

Sasabak sa dalawang laro ang Smart-Gilas Pilipinas laban sa Kuwaiti 5 bilang paghahanda sa Asian Games na nakatakdang idaos sa Guangzhou, China sa Nobyembre 12 hanggang 27.

Naka iskedyul na dumating sa bansa ang Kuwaiti Nationals sa Nobyembre 4. Ang ensayo ay naglalayong maipagpag ng Smart-Gilas ang pagal na katawan ng ilang players bunsod ng may isang buwang singkad sa kawalan ng laro.

Subalit sa kabila ng walang seryosong laro, nasisiyahan si RP coach Rajko Toroman sa magagandang sigasig sa laro ng mga hinugot na PBA reinforcement na sina Sol Mercado, Kelly Williams at Asi Taulava na nagkaroon ng sapat na ensayo sa kasalukuyang PBA Philippine Conference.

Mahalaga sa RP team ang nalalapit na tune-up games para makita ang kakulangan ng koponan at ng magawan ng kaukulang pagbabago kung kinakailangan.

Kulang na sa isang buwan para sa preparasyon sa pagsabak ng Smart-Gilas na kahaharapin ang Saudi Arabia sa isang do-or-die opening match.

Mahalagang maipanalo ng Philippine team ang laro laban sa Saudi Arabia para makasulong sa kinabibilangang grupo na binubuo ng Asian title holder na Iran, Japan, Qatar at Chinese Taipei.

Nakatakdang isumite ang final 12-player line up ng Smart-Gilas Pilipinas sa deadline ng Guangzhou Asean Games Organizing Committee sa Nobyembre 4.  RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply