Smart-Gilas vs Kuwait sa Asian Games opener

GUMANDA ang kalagayan ng Smart-Gilas Pilipinas sa simula ng kampanya nila sa Asian Games  sa Guangzhou, China sa papasok na buwan.

Sa halip na Saudi Arabia Nationals ang makahaharap sa inaugural game, ay nabago ang makatutunggali. Resulta ng pagpapalit ng makababangga dahil sa pagbibitiw ng Saudi Arabia na paglahok sa Asiad.

Sa halip, ang Kuwaiti Nationals ang ihinaliling kalaban ng RP Nationals sa Nobyembre 13. Na pabor sa Smart-Gilas ang pinakahuling kaganapan dahil maaga nilang masusukat ang lakas ng Kuwaiti bunga ng dalawang tune-up games na gaganapin sa Maynila sa Nobyembre 4 at 5 bago idaos ang opisyal na pagbubukas ng Asian games sa Nobyembre 13.

Ang mananalo sa RP Nationals at Kuwaiti 5 ay makakasama sa Group F na bubuuin ng Iran, Qatar, Japan, Chinese Taipei at ng mananalo sa isang knock-out games sa pagitan ng India at Afghanistan.

Samantala, nabuhay ang pag-asa ng Pilipinas na maging punong abala sa 2011 FIBA Asia Championship resulta ng pag basura ng mga opisyal ng Fiba Asia sa karapatan ng Lebanon na tumayong host kasunod na hindi kaaya-ayang palaro sa Fiba Asia Stankovic Cup noong Agosto sa Beirut.

Mahalaga sa bansa ang 2011 Fiba Asia Tournament dahil kakatawanin ng magwawagi ang kontinente sa 2011 London Olympics na siya ring puntirya ng Smart-Gilas Pilipinas na kasalukuyang mahigpit na naghahanda sa Asian Games.

Mahigpit ang tagubilin ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan kay SBP executive director Noli Eala na gawin sa buo niyang kakayahan na makuha ng RP ang karapatang mapunta sa bansa ang pagho-host sa Asian championship na kapwa interesado rin ang South Korea at ang bansang China.  RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply