So binigo ang Argentinian woodpushers

NAKATABLA ang 37th seeded Philippines sa 26th seeded Argentina, 2-2 sa penultimate round ng 39th World Chess Olympiad na ginaganap sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Binuhat ni super GM Wesley So, (2668) ang team Philippines matapos pisakin sa top board si GM Diego Flores, (2615), sa 49 moves ng English opening habang tabla ang resulta ng laban nina Pinoy GM John Paul Gomez at IM Richard Bitoon sa boards 2 at 4 ayon sa pagkakasunod.

Natalo naman si Asia’s first GM Eugene Torre, (2489) kay GM Fernando Peralta, (2572), sa 40 moves ng London system.

Kasalo mula 31st hanggang 44th places ang mga Pinoy woodpushers na may 12 puntos papasok sa 11th at final round kung saan nagsosolo pa rin ang no. 2 seed Ukraine na may 18 points.

Ang panalo ng team Philippines sa 48th seeded Estonia sa final round ang magbibigay daan upang malampasan ng una ang 46th-place finish noong 2008, 38th World Chess Olympiad sa Dresden, Germany.

Sa ninth round winalis ng Pilipinas ang Turkmenistan upang makabangon matapos matalo sa Bulgaria na pinangunahan ni former World Champion Veselin Topalov, 1.5-2.5 sa round eight.

Samantala, natalo ang mga Pinays chessers sa Indonesia, 1.5-2.5 upang mapako sa 10 points matapos ang 10 rounds.

Lumagapak mula sa 50th hanggang 65th places ang 52nd seeded women’s Philippine team at kailangan nilang manalo sa huling laro kontra 61st seeded Brazil upang mapaganda ang kanilang team standing.  Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply