Soltera patay nang mag-ala Darna

KAMATAYAN ang sinapit ng isang matandang dalaga makaraang tumalon mula sa ika-apat na palapag ng isang gusali sa Quezon City.

Nalagutan ng hininga sa St. Lukes Medical Center ang biktimang si Aileen Brigida, 44 taong gulang, walang trabaho, naninirahan sa 78 PYP Mansion 1,  Banahaw St. Brgy., Kaunlaran Q.C.

Batay sa ulat ni P03 Randy Bantillo, naganap ang insidente dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi sa tinutuluyan ng biktima na nasa ika-apat na palapag ng nasabing mansiyon.

Ayon sa salaysay ni Florencio de Guzman, main-tenance staff ng lugar, nag-iigib siya sa ground floor nang lumagapak sa kanyang harapan ang biktima.

Tinawag nito ang family driver ng biktima na sina Magdalino Liwanag at Ro-mulo Lanang.

Bigo namang malaman ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa dalaga para kitilin ang sariling buhay dahil hindi na nila nakausap ang ina ng biktima na naroroon nang mangyari ang umano’y pagpapatiwakal. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply