Reproductive Health bill negosyo ng US– Sotto

MAY kutob si  Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na ginagamit ng United Nations, sa tulong ng Amerika, ang pagsusulong ng Reproductive Health Bill sa bansa upang maibenta ang produkto ng Kanluran sa pagpaplano ng pamilya tulad ng condom.

Sa panayam, sinabi ni Sotto na nakikita niya ang “business angle” sa isyu kaya mahigpit niyang tututulan ang anumang panukala na magpapatupad ang pamahalaan ng artificial contraceptive method sa pagpaplano ng pamilya.

“Ginagamit lamang siguro ng USAID (United State Agency for International Development) at United Nations Population Control Program Committee para maibenta nila ang condoms nila. May negosyo eh,” ayon kay Sotto.

“Mali ang UN na kailangan ang RH Bill para kontrolin ang ating populasyon. Baka naman itinatago lang nila ang problema na  sila ang dapat lumutas,” giit pa ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na magbibigay siya ng datos na walang katotohanan na magkakaroon ng population explosion kundi kokontrolin ng pamahalaan o alinmang estado ang populasyon.

Naniniwala din si Senate President Juan Ponce Enrile na masyadong pagdedebatehan sa RH Bill ang pondong gagamitin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng pondo na siyang tinututulan din ni Sotto.

“Yun nga (funding) ang debatable. There are those who will support that. There are those to will not support it,” ayon kay Enrile. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply