Squatters sinisi ng MMDA sa baha

AMINADO si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na hindi nila kayang masugpo ang malaking pagbaha sa Metro Manila  sa panahon ng tag-ulan.

Tiniyak ni Tolentino na kaya nilang mabawasan ang mga malalalim na
nangyayaring pagbaha at mabilis na pagkawala ng tubig sa mga pangunahing
lansangan sa oras na tumigil na ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Sinabi ni Tolentino na maging ang mauunlad na bansa tulad ng Estados Unidos ay nakararanas din ng pagbaha patunay ang nangyari sa New York City na kinailangan pang ilikas ang ilang residente dahil sa matinding pagbaha.

Hangga’t hindi aniya natututo ang mga mamamayan sa Metro Manila sa  tamang kalinisan at wastong pagtatapon ng basura, mahihirapan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na pagtulungang masugpo ang mga pagbaha.

Isa pa rin aniyang nagpapahirap sa kanila ang patuloy na pananatili at pagtatayo ng istraktura ng mga informal settlers sa gilid ng mga estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig na karamihan ay may basbas ng lokal na pamahalaan at opisyal ng barangay.

Umaasa si Tolentino na ang nilagdaang Estero Declaration sa pagitan ng ahensiya at mga pinuno ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay makatutulong sa unti-unting paglilinis sa mga daluyan ng kanal sa pamamagitan ng pagpapa-alis sa mga itinayong barong-barong ng mga informal settlers. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply