SSS office nilooban

NINAKAWAN ang tanggapan ng Social Security System office (SSS) at tinangay ang mga personal na kagamitan saka pera ng mga empleyado, sa Quezon City.

Kaugnay nito sinabi ni SSS vice-president for media affairs Joel Palacios, hindi naman nabuksan ng mga magnanakaw ang vault na lagayan ng pera at wala namang natangay sa ahensya.

Nabuksan lamang ng mga magnanakaw ang mga drawer ng mga empleyado na naglalaman ng cash money na aabutin sa P3,000 at iba pang personal na kagamitan.

Tinatayang nilooban ng mga magnanakaw ang tanggapan sa pagitan ng ala-1:00 at alas-4:00 ng madaling araw kahapon sa SSS Treasury Department sa East Avenue, Bgy. Pinyahan, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Palacios ang mga nakuhang pera sa mga empleyado ng SSS ay bahagi ng kanilang kontribusyon para sa kanilang pondo. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply