Star Factor Christine, okey lang kung tawaging sexy star

IPINAKILALA  ang 12 Hopefuls out of original 18 sa series of elimination rounds sa entertainment press sa presscon na ginanap sa  HardRock Café, Glorietta, Makati City kamakailan.

Official na tatawagin ang mga ito na 12 Shining Stars ng Star Factor. Ang naggagandahan at nagguguwapuhang fresh looking shining stars ay magge-guest sa lahat ng TV shows ng TV5 para sa kanilang showbiz exposures.

Paglalabanan ng 12 Shining Stars ang tax-free grand prize package of P1 million cash, P1 million TV management contract, at ang 3-bedroom, 3-storey house and lot.

Ang naglalaban ay sina Christian Samson, 17 (Bulacan), Cristine Serrano, 15 (Caloocan), Eula Caballero, 15 (Cebu), Jazz Ocampo, 13 (Las Pinas), John Uy, 17 (Manila), Kevin Francisco, 17 (Quezon City), Krissha Viaje, 17 (Quezon City), Miguel Estenzo, 19 (Cavite),  Nikita McElroy, 17 (Davao), Rico dela Paz, 14 (Marikina) at Ritz Alzul, 16 (Pampanga).

Speaking of Christine Serrano, nakopo niya ngayong taon ang titulong Southeast Asian Teen Princess, tinalo niya ang ilang finalists mula sa China, Singapore , Indonesia at iba pang SEA countries sa competition na ginanap sa Singapore recently.

Naikuwento sa amin ni Christine na sumali siya sa “Danz Showdown”, isang dance reality show sa GMA 7 pero hindi siya pinalad hanggang Top 15 lang ang naabot niya.

Hindi naman siya nanghihinayang na matalo, isang experience niyang maituturing ito. And blessing in disguise naman na nakasama siya sa 12  Shining Stars. Ito siguro ang inilaan sa kanya ng Panginoon.

Bukod sa maganda at may talent, sexy ang dating ni Christine.

Hindi naman daw siya nao-offend kung tawagin siyang sexy star.

Okey lang daw.

Kung open siya rito? As of now dahil 15 years old pa lang siya kaya di pa pwede. Pagdating ng tamang edad pag-iisipan muna niya.

Mahusay maghataw sa dance floor si Christine, katunayan nag-showdown sila ng kapwa niya shining star na si Krissha-as requested by the movie press na dumalo.

Kay Ritz Alzul, nahikayat ng mga kaibigan, guro at mga magulang niya mismo para sumali sa beauty contest para ma-overcome ang kanyang shyness at dahil sa angkin niyang looks at talento sumali si Ritz.

Hindi naman nabigo si Ritz dahil siya ang itinanghal na reyna during her sophomore years at hindi lang ‘yan siya ang Miss Sta. Rita 2010!

Sa panayam namin kay Ritz, sasali rin daw siya sa Miss Pampanga search and soon sa Bb. Pilipinas. Nagtataglay ng vital stas si Ritz ng 36-25-36!

Si Ritz ay napanood lately sa isang Jollibee Yum commercial.

PMPC TREE PLANTING

Mahalin ang kalikasan. Sa panahon ngayong nakakalbo na ang bundok at ang pagkalagas ng punongkahoy ang nagdudulot ng mga baha at pagkasira ng kapaligiran, paano tayo kikilos bilang mamamayan?

Pinangunahan ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pakikipagtulungan ng Nature Valley, ang Tree Planting na ginanap sa kabundukan ng Ipo Watershed, Sitio Ipo, Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan, kamakailan.

Ang adbokasiyang ito ng Nature Valley , ay dinaluhan ng celebrity endorser na si Donna Cruz at asawang opthalmologist na si Dr. Yong Larrazabal.

Bago ang pag-akyat sa bundok, ipinaliwanag ni Ms. Julie Mustafa ang kahalagahan ng pagtatanim ng  puno para sa watershed ecosystem, biodiversity, water availability that benefits us in Metro Manila, at ang climate change in a capsule. Itinuro rin ang tamang pagtatanim.

Mahigit sa isang daang puno ang itinanim ng PMPC members. Sa pakikipagtulungan ng DENR, ang bawat halaman ay sasailalim sa 5 taong programa ng pag-aalaga, para matiyak ang paglaki nito at pag-iwas mula sa pagkasirang maaaring ihatid ng bagyo o ng kagagawan ng tao.

Ang pagsagip sa kalikasan ay dapat simulan sa pagtatanim ng punongkahoy.

Kaya sa bawat miyembrong nagtanim, isang makabuluhang kontribusyon ang naiambag natin para sa kalikasan. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply