Star Magic issues a statement re Kimerald-Bea brouhaha

ISANG malaki at pinag-uusapang isyu sa showbiz ngayon ang nangyayari sa sikat na loveteam na sina Gerald Anderson at Kim Chiu, at sangkot sa eksena si Bea Alonzo.

Since napakarami ang mga fans na nagmamahal kina Kim at Gerald worldwide (dahil sa TFC) – collectively known as Kimerald – ang mga tagahangang ito mismo ang nasasangkot sa kontrobersiya ng kanilang mga young idols na incidentally ay may movie coming up, ang ‘Til My Heartaches End ng Star Cinema, directed by Jose Javier Reyes.

Sa previous presscon ng movie, dito sumabog ang emosyon ni Gerald upang umiyak habang humihingi ng tawad sa ka-loveteam na si Kim, kung sakaling nasaktan daw niya ang damdamin nito sa mga naglalabasang issues.

Dito rin na-touch ni Gerald ang balitang may death threats umano sa kanya at sa pamilya niya, at dito na “pumalag” ang guwapong young
actor, and real tears ang nakita ng press na umaapaw sa mga pisngi ni Gerald, and we were there to see his sincerity sa paghingi ng tawad kay Kim, at unfair na sabihin ng ibang gumigimik lamang ang dalawa for the movie.

Malamang, nagkataon rin lang dahil ito ang panahong ginawa nila ang movie – in six weeks deadline, ayon na rin kay Direk Joey – dahil may October 27 playdate na ang ‘Til My Heartaches End, pero nitong mga nagdaang linggo rin sila “binubulabog” ng hate mails, text messages, at kung anu-ano pa, to the point na may ipapapatay raw ang mga nananakot.

Sabi ng isang astrology reader na lumabas sa TV recently, ang zodiac sign o birth sign character ni Gerald ay talagang “emotional” kung kaya’t bumigay ito sa pag-iyak sa harap ng press. As for Kim naman, nakiusap ito sa iba na tigilan na ang ganitong mga eksena, at ipinagtanggol rin nito ang isa pang girl na involved sa istorya – si Bea, na sasabuyan daw ng fans ng asido, etc.

-oOo-

SA GITNA ng gulong nangyayaring ito between Kim, Gerald, and Bea, ang huli ang lumalabas na “kontrabida” sa mata ng Kimerald fans dahil daw sa “pag-agaw” nito kay Gerald from Kim.

To the rescue naman ang Bea fans against Kim, saying na “Hindi pa man artista si Kim ay sikat na si Bea, kaya tigilan niya ang paggagamit sa idol namin!”

Ang pinakamatindi nga ay ang pagdagsa sa email messages ng Star Magic, ang management company ng tatlong sangkot na artista sa usaping ito –na umaabot sa death threats! Ang sitsit kasi, ang tunay na mahal ngayon ni Gerald ay si Bea, at tapos na sila ni Kim.

And so, naglabas na kamailan lang ng official statement ang Star Magic, headed by Mr Johnny Manahan na manager nina Kim, Gerald, at Bea.

Umaasa ang talent firm ng ABS-CBN na tapusin na ang ganitong pagbabanta hindi lamang sa kanilang mga artista, kundi pati na sa kanilang mga pamilya at employees ng network, kasabay ang pag-inform na naiparating na nila ang aksyong ito sa mga kinauukulan.

Umaapela rin sila sa publiko na respetuhin ng lahat ang personal na mga desisyon ng kanilang mga talents. Here’s the official statement in full:

“Star Magic has received numerous e-mails from fans threatening Bea and Gerald, their respective families, Star Magic personnel, and ABS-CBN executives.

“We have already forwarded said threatening e-mails to the PROPER AUTHORITIES to determine if these people can be identified, caught, and prosecuted.

“As we do this, we also appeal to them to please stop the THREATS and respect the personal decisions of our artists.” Mell Navarro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply