STL lang at walang iligal

SINISIRAAN ang Small Town Lottery sa Quezon Province para mapatay ito at muling buhayin ang iba’t ibang iligal na pasugalan partikular na  ang jueteng sa probinsyang ito. Katunayan ay puspusan ang ginagawa nilang paninira pati sa Senado na nagsa-sagawa ng imbestigasyon.

Isang whistleblower  ang maaring kasuhan ng Senado ng perjury  dahil sa kanyang pagsisinungaling na laganap pa rin ang jueteng sa Quezon. Totoo na ginagamit ng lords ang STL  na cover sa ibang probinsya ngunit hindi sa Quezon.

Kaya tuloy sinasabi ng marami na ang STL at ang jueteng ay iisa. Pero to be fair, may mga lalawigan lalo na sa Calabarzon area na maayos ang pagpapatakbo ng STL dahil ang mga probinsyang ito ay matitino, gayundin ang mga STL operator na nasa likod nito. Gaya na lang sa Laguna, hindi nagpapadaig ang mga STL operator sa iba’t ibang mga iligal na pasugalan. Sa Quezon naman, matagal nang namatay ang jueteng noon pang Pebrero 2006 nang nagsimula ang STL doon. Sa katunayan pinatotohanan ito ni Quezon  Bishop Emilio Marquez na malinis ang STL sa probinsya at walang jueteng. Kinumpirma rin ito ni Col. Erickson Velasquez, PNP provincial director at Police Gen. Nicanor Bartolome, PNP chief sa Calabarzon area. Pati ang mga senador na nag-iimbestiga ay nilinlang ng mga elementong  ang tanging hangad ay muling buhayin ang bawal na sugal sa Quezon. Ngunit nagkamali.

SUGALAN SA  BULACAN PATULOY

Kung sa Calabarzon ay ligal ang STL, sa Baliwag naman ay namamayagpag ang bookies ng STL nina  Caloy at Ambet.

Hindi natatakot ang da-lawang lord na ito kahit mahigpit ang kampanya ng PNP.  Ang katwiran nila ay malakas sila sa pulisya.

Sulong, PNP chief Gen. Raul Bacalzo.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply