Sugalan sa loob ng air base ‘di kaya ng pulis

Ibang klase pala rito sa compound ng Fernando Air Base sa Lipa City dahil sa lihim na nakapag-ooperate ang mga kasundaluhan ng kanilang mini-casino gaya ng color game, kara balls, beto-beto, pula-puti at iba pang mga pasugalan araw-araw.

Kaya nga, hayun, nagmumukhang tanga ang mga tauhan ni PD Supt. Alberto Supapo dahil sa hindi nila mapasok ang mga pasugalan sa kampo na napapaligiran ng mga sundalo.

O Supt. Supapo, huwag ninyong sabihin na hindi  ninyo kayang pasukin ang air base. Aba’y pag ganyan din lang kayo ay wala palang makukuhang tibay ang mga Batangeño sa inyo.

Basahin ninyo, kernel, ang text message ng mga Batangeño.

Dear Sir Johnny, alam ba ninyo na mismo sa compound ng Fernando Airbase sa Lipa City palihim na nakapag-ooperate ng mini-casino ang ilang tiwaling opisyal ng Philippine Airforce. Biruin ba naman ninyo, doon pala sa airbase  ay nakapag-ooperate  ang mga sundalo ng kanilang mini-casino gaya ng color game, kara balls, beto-beto, pula-puti at iba pang pasugalan. Nagmumukhang tanga ang mga pulis ng Lipa at maging ang mga tauhan ni PD Sr/Supt. Alberto Supapo pagkat hindi nila matinag ang mga pasugalan sa loob ng FAB.

CLUB SA QC HINDI MATINAG

Pahapyaw nating silipin muli ang FHM Club sa West Ave., Quezon City.

Patuloy pa rin daw na “untouchable” at hindi hinuhuli ng kapulisan ng QCPD ang FHM Club sa kabila ng grabe ang bold shows at ginagawang motel ang  mga VIP room ng club. Hindi matinag-tinag ang FHM Club dahil sa isang pulis ng CIDG ang may-ari nito. ‘Di rin magalaw-galaw ito ni QCPD Dir. Gen. Benjardi Mantele.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply