Sugalan sa Metro nag-umpisa na

TILA ningas kugon lang ang pamunuan ng Philippine National Police sa pagsugpo ng illegal na sugalan sa buong Metro Manila at karatig probinsiya dahil sa malaya na ngang nakakapag-operate ang mga bigtime gambling lord sa bansa.

Batay sa impormasyon, lalong lumakas ang iba’t ibang pasugalan sa Metro Manila na kung saan nagpalakas lang ng lingguhang payola sa ilang mga opisyal ng pulis, partikular na sa NCRPO.

Patuloy ang paglakas ng sugal na Virtual Two o kilala sa tawag na STL na wala pang permiso mula sa PCSO at pamamayagpag ng lotteng, saklaan, video karera, maging sa lugar ng Las Pinas at Paranaque ay walang takot na nagsasagawa ng kanilang operasyon.

Ayon kay Emeritus Oscar Cruz, lalo pang dumami ang mga sugalan  at ilang linggo lamang ipinahinto ng pamuan ng PNP, sa pamumuno ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo, ang kanyang ipanag-utos ng “ONE STRIKE POLICY” subalit hindi na pinapansin ng ilang mga matataas na opisyal ng PNP.

Posibleng mag umpisa na rin ang illegal na jueteng operation ngayong linggo, batay sa isang impormante na hindi na nagpabanggit ng pangalan, kung saan may basbas na ng ilang heneral na nakabase sa Camp Crame at Metro Manila. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply