Suspek sa bar exam bombing may “patong” sa ulo

MAGKAKALOOB ng pabuya ang isang Ateneo-based fraternity sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng mga may kagagawan ng pagsabog sa huling araw ng bar examinations sa De La Salle University.

Ayon kay Atty Gary Mendoza, chapter president ng The Fraternal Order of Utopia, dalawang daang libong pisong reward ang kanilang ibibigay sa makapagbibigay ng impormasyon para malutas ang kasong may kinalamang sa post bar examination blast noong September 26, 2010, huling Linggo ng nabanggit na buwan.

Ang pahayag ng abogado ay kasunod nang pagkondena sa krimen na ikinaputol ng mga paa ng dalawang law student at ikinasugat ng halos 50 katao.

Kasabay nito ay nanawagan ng agarang hustisya kay Pangulong Aquino  ang nabanggit na fraternity at suporta na rin sa ginawagang imbestigasyon ng Korte Suprema.

Kabilang sa mga kilalang kasapi ng The Fraternal Order of Utopia ay sina Supreme court chief Justice Renato Corona, Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., apat pang associate justice ng Kataas-taasang Hukuman, ilang mataas na opisyal ng Department of Justice, Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply