Talamak na holdapan, chief of police ‘di kumikilos

TALAMAK ang holdapan gabi-gabi sa Astrotel o Mang Inasal sa Monumento circle sa Samson Road, Caloocan City.

Walang ginagawang aksyon ang hepe ng kapulisan ng  Caloocan-PNP kahit marami nang mga bystander ang nahoholdap sa nasabing lugar.

Ewan ko lang kung ano ang pinaggagawa nitong si Caloocan chief of police Supt. Jun Wilson Santos sa tanggapan nito at kung bakit hindi inaaksyunan ang talamak na holadapan sa nasasakupan niya.

Supt. Santos, anong klaseng pulis kayo, bakit hindi  kayo kumikilos para masugpo ang rampant na holdapan sa area ninyo?

Basahin ninyo, colonel, ang reklamo ng mga bystander sa area n’yo.

Gud am po, Sir Juan de Sabog, dito sa Monumento Circle sa Samson Road sa  may Astrotel or Mang-Inasal ay talamak ang holdapan lalo na sa gabi.

Pakikalampag naman,  sir Johnny, ang tamad naming hepe na si Supt. Jun Wilson Santos dahil simula nang maupo siya ay wala siyang ginagawa para sa mamamayan ng Caloocan City. Don’t publish my number,   Sir Johnny. Thanks!!!

TULISANG PULIS NG REGION-3

Grabe raw ang pangongotong sa mga iligal na pasugalan sa Tarlac nitong si Sgt. Capistrano na nagpapakilalang “bata” raw siya ni Region-3RD Gen. Allan Purisima. Ibang klase raw kung mangotong sa Tarlac ang tulisang pulis na akala mo kung sino dahil sa nanunutok pa ng baril pag hindi raw nabigyan.

Lahat ng iligal na pasugalan sa Tarlac ay kinokotongan ng tulisang pulis na ito at wala siyang pinalalampas. Kahit tong-its na lang ay kanyang hinihingan ng timbre. Hindi ko lang alam kung may go-signal si heneral sa pulis na ito.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply