Tanduay sanhi ng ‘fish kill’ sa Laguna Lake

INIHAYAG  ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Fire and Prevention (BFP) na nagkaroon ng “fish kill” sa Laguna de Bay noong nakaraang Oktubre 15 sanhi ng kemikal na galing sa isang planta ng Tanduay Distilleries sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on environment and natural resources na pinamumunuan ni Sen. Juan Miguel Zubiri, sinabi ni Laguna Fire Marshall Chief Antonio Sobejana na galing ang kemikal sa naturang planta.

Dahil dito, inatasan ni Zubiri ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na isumite sa Senado ang resulta ng imbestigasyon sa naganap na fish kill sa lawa upang magamit sa paglikha ng kaukulang batas hinggil dito.

“Nagsimula ang fish kill matapos masunog ang isang planta ng Tanduay Distilleries noong Oktubre 13  sa Sta. Rosa, Laguna,” ayon kay Sobejana.

Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na dumaloy sa lawa ang isang uri ng kemikal na galing sa naturang planta ng alak na siyang ikinalason ng isda sa Laguna de Bay.      Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply