Team Pilipinas kampeon sa SEABA

Nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahang titulo sa katatapos na Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Women’s Championship.

Tinalo ng RP Women’s Team ang defending champion Thailand sa score na 76–54.

Sa pangunguna ni Joan Grajales at Ewon Arayi, hindi na nila hinayaan pang mahabol sila ng mga Thai players.

Una rito, inihayag ni Team Pilipinas Coach Haydee Ong, mas matibay na depensa ang pinaghandaan ng Team Pilipinas para sa final match sa Thailand.

“Nagkaroon tayo ng adjustment sa ating depensa at opensiba laban sa matatangkad ng center ng Thailand. Hopefully, iyong ating outside shooting ay mas mag-improve pa,” ayon kay Ong.

Tinalo na kahapon ng mga Filipina basketball stars ang kanilang Thai counterparts  sa tinaguriang “non-bearing encounter” sa iskor na 83-57.

Ang Pilipinas ay may 4-0 record sa SEABA Game na  kasalukuyang ginaganap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply